Chapter 41: Closing of Portal

119 4 0
                                    

KNIGHT

;

“Here it is,” wika ni Seya nang sipain namin ang isang pinto ng silid na pinuntahan namin, nasira ito at bumagsak. Kaagad kaming pumasok sa loob at namataan ang isang machine na may maliwanag na laser beam na nakatutok sa malaking butas sa pader.

Maliwanag ang nasa loob ng butas at parang portal iyon para makapunta sa ibang dimensyon. Ito na siguro ang sinasabi ni Seya na lagusan kung saan nanggagaling ang mga humanoids. But how can we close that portal?

“Anong gagawin natin?” tanong ni Galen habang inuusisa ang machine. Malaki ito at ang laser na tumatama sa pader ay parang binubuo ng mataas na boltahe ng kuryente.

“Patayin ang laser,” pumunta si Seya sa kinaroroonan ng machine at inusisa rin ito tulad ni Galen, hindi kami pamilyar sa machine na ito dahil sobrang upgraded ang technology na bumabalot dito sa ruta ng Suarez League.

“Die, idiots!” napalingon kami sa pintuan ng silid at naroon ang dalawang taong naka-itim. Nakailag kaming dalawa ni Seya sa electric gun na dapat sanang tatama sa amin but unfortunately Galen don’t, kaagad itong nangisay sa lapag dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Shit! Pinilit nitong tumayo at pumunta sa likod namin ni Seya kahit batid namin na namanhid siya.

Kinontrol ko ang mga glass flask na nakapatong sa isang lamesa at bumulusok iyon sa direksyon ng dalawang taong naka-itim. Nagulat ako ng itaas ng isang lalaki ang kamay niya at ang lahat ng glass flask ay nabasag sa ere at bumagsak lamang sa sahig.

Shit! May mga abilities din sila!

Binitawan ng mga lalaking naka-itim ang mga electric guns na hawak nila at sa isang iglap ay may na-summon ang mga ito na katana. Matatalim ito kung titingnan at tiyak na maari itong kumitil ng buhay ng naming tatlo kung ito’y gagamitin nila sa amin, well no doubt. Gagamitin nga talaga nila ang mga sandatang iyon para patayin kami.

Kaagad silang sumugod sa direksyon namin, may iniinda paring sakit si Galen pero nakuha nitong palakasin ang ihip ng hangin sa loob ng silid kaya nagkagulo ang mga gamit at nagkabasag-basag ang glass equipments at ilang apparatus na nakapatong sa mga cabinet. Hindi natinag ang mga lalaking nakaitim at winasiwas ang katana sa direksyon namin, kaagad akong umilag sa tangkang pagsaksak sa akin ng isang lalaki. Mabilis akong kumilos at nagpunta sa likod niya at sinipa siya. Nabitawan niya ang katana at sabay kaming napatapon ng tingin dito. Naglalaban din sina Seya at ang isa pang lalaking tauhan ng Suarez League. Habang si Galen ay nabuwal sa kanyang kinatatayuan dahil nagamit niya ang natitirang lakas na mayroon siya ng palakasin niya ang ihip ng hangin.

Sa isang iglap ay muling bumalik ang katana sa kamay ng lalaking kalaban ko at walang anu-ano’y sinugod ako nito. Mabuti at nasalag ko ang kamay niya kaya kinontra ko ang pwersa niya dahil kung hindi ay tatama sa akin ang patalim na iyon. Itinulak ko ang kamay nito ng buong pwersa at napaatras siya sa direksyon ng laser beam. Ilang metro nalang ang layo niya dito at hahagipin na siya ng bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy patungo sa butas na pader o ang portal patungo sa dimensyon ng mga humanoids.

Alam ko na kung paano ko siya matatalo.

Kinontrol ko ang isang microscope na nasa gilid at pinataas ito sa ere. I release the force at bumulusok iyon sa direksyon niya, dahil sa pwersa nang pagtama nito sa dibdib niya ay muli siyang napaatras papunta sa laser beam.

Naptingin siya sa likod niya dahil konting pagitan nalang ay mapupunta na siya sa laser beam. Bakas sa mukha nito ang pangamba. I used that opportunity to do my execute my final move.

Nag-releport ako sa harap niya at sinuntok siya sa tiyan ng ubod lakas, nang magawa ko iyon ay tuluyan siyang napaatras at tumama sa laser beam ang katawan niya.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon