Chapter 9: Revealed Abilities

247 15 0
                                    

GALEN
;

Sa wakas ay nabigyan narin ng hustisya ang pagkamatay ng ama ni Knight at nalinis narin niya ang pangalan niya. Sa pamamagitan ng pagsuplong namin kay Olivar ay unti-unting nakita ko ang pagbabago sa katauhan ni Knight, parang nabunutan siya ng isang malaking tinik na dinibdib niya ng halos dalawang taon.

Wala na si Olivar Nunez sa kanyang tungkulin pero naniniwala akong may iba pa siyang mga tauhan. Hindi parin kami dapat maging kampante dahil sigurado akong babawi ang mga tauhan niya sa mga nagsuplong sa kanya at kami iyon, ang mga pinakasikat na rebelde sa mga oras na ito. Oo, kasama na ako, dahil hindi na ganun kadaling bumalik sa trabaho ko, sigurado akong sa mga panahong ito ay pinaghahanap narin ako ng iba sa mga tauhan ng demonyong 'yon para patahimikin. Sinimulan ko na ang labang ito, at tatapusin ko para sa kaayusan ng lungsod ng Voidezzare.

Noong ako ang nag-agaw buhay ay tinulungan ako ng grupong ito, Ngayon ay panahon naman para suklian ko ang tulong na ibinigay nila sakin.

Isang grupong may isang miyembro na talagang kakaiba at kahanga-hanga. Akala ko sa mga novels at movies lang nabubuhay ang mga ganitong klaseng tao, pero dahil sa personal kong nakita at nasaksihan ang mga abilidad niyang inhuman type, masasabi kong totoo pala.

Malakas siya dahil sa mga taglay niyang pambihirang abilidad pero tao parin ang katawan niya. Nakakaramdam din ng sakit, hindi mapepeke ng utak ang nararamdaman ng katawan. Nabaril siya at kailangan niya ng paunang lunas.

"Anong gagawin natin? Nanghihina na siya" nag-aalalang tanong ni Mac, unang impresyon ko sa kanya akala ko hindi siya marunong mag-seryoso sa mga bagay-bagay, napagtanto ko, marunong din naman pala.

Inalalayan namin si Seya at inihiga namin siya sa isang sofa sa common room ng ruta. Hindi ko alam na ang isang abandonadong building na ito sa Shaddow Division ay naglalaman ng mga taong may ipinaglalaban tulad ko. Hindi ko pa sila masyadong kilala bukod kay Knight na matagal na naming pinaghahanap, pero nasisiguro ko na pare-pareho lang kami ng nais sa buhay namin: Ang makapaghiganti. Kaya siguro ang bilis naming nabuo at nakapagpalagayan ng loob sa isa't isa.

Marami ng nawalang dugo kay Seya pero sa puntong ito ay hindi niya parin pinapahalata samin na nahihirapan na siya, matapang siyang babae at ayaw niyang nakikita ng ibang taong mahina siya.

"Kumuha ka ng gunting, tela at alcohol, kailangan nating tanggalin ang bala sa braso niya bago pa ito magdulot ng impeksyon sa kanya." utos ko kay Mac pero mukhang hindi niya alam na siya ang sinabihan ko dahil tiningnan niya pa ang sarili niya at si Knight.

"Ikaw Mac, bilisan mo na!" iritable kong sabi.
Ang dami na naming nasayang na oras at bawat segundo ay mahalaga para iligtas ang buhay ni Seya. Mabilis siyang kumilos at lumabas ng common room, hindi ko alam kung saan siya naghanap ng mga bagay na inutos ko sa kanya pero wala pang limang minuto ng makabalik agad siya. Nice, hindi ko inakala na babalik siya sa ganun kabilis na oras ah.

"Knight? Bakit ang seryoso mo diyan? May kinakailangan ng tulong natin oh!" seryoso kong sabi kaya naman natauhan si Mac mula sa pagkakatulala niya. Ano bang nangyayari sa taong 'to? Parang ang lalim ng iniisip niya.

"Akin na yung gunting!" wika ko at agad naman itong binigay ni Mac. "Medyo masakit 'to, pero alam kong kaya mo" ibinaon ko ang gunting sa sugat sa braso niya. Naramdaman kong napapikit si Seya pero walang reklamo na lumabas sa bibig niya. Inipit ko ang bala sa pamamagitan ng gunting at unti-unti ko itong binunot palabas, may mga dugong sumama sa pagkuha ko nito.

Ng mabunot ko ang bala ay agad kong kinuha ang alcohol sa kamay ni Mac, pinatakan ko ang sugat ni Seya kaya naman nabalikwas siya ng konti. Malamang naramdaman niya ang hapdi, pero ginawa ko iyon para hindi ma-impeksyon ang sugat niya at maging malinis ito, matapos ko itong lagyan ng alcohol ay agad ko itong tinalain gamit ang telang kinuha ni Mac. "Ok na 'yan" wika ko ng matapos ang paggamot ko sa kanya. Nakahinga ng maluwag si Mac ng makitang nabalutan ko na ang tama ni Seya. Salamat sa first aid training na natutunan ko sa pagiging isang pulis.

"Thanks Galen" malamig na sabi ni Seya, walang emosyon as usual pero naramdaman ko ang senseridad ng mga salitang iyon.

"Walang anuman, ipahinga mo nalang muna 'yan" sagot ko sa kanya pero nagulat ako ng bigla siyang bumangon. "Ok na 'ko" seryoso niyang sabi at tumayo, tiningnan lang namin siya hanggang sa makaalis siya ng common room. "Luh? Parang walang nangyari ah?" naguguluhang tanong ni Mac habang nakatulala nanaman si Knight sa kung saan.

"Hayaan muna natin siya" sagot ko kay Mac at binigyan siya ng isang ngiti. Binatukan ko naman si Knight bago tuluyang umalis narin ng common room.

Ang wierd talaga ng mga ikinikilos ni Knight, parang may gumugulo parin sa isip niya
kahit na natapos na namin ang misyong para sa hustisyang hinihingi niya. Siguro ay may kaunting lungkot parin sa kanya kahit nakulong na si Olivar. Kung sabagay, pagkatapos ng lahat ay hindi naman maibabalik ang buhay ng tatay niya.

***

'Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, bakit- bakit parang may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. Mac, totoong hindi si Seya ang nagbukas ng lagusan para makauwi agad tayo dito sa ruta kanina. Pa-parang ako yata' napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni Knight sa utak ko. Wtf! Paano nangyari 'yon? Napahampas ako sa noo ko dahil baka nag-i-ilusyon lang ako.

Teka? Anong sabi niya? Siya ang nag-space bend kanina para makauwi kami agad? Siya ang nagbukas ng portal? Pa-paano niya nagawa 'yon? Ang alam ko si Seya lang ang nakakagawa ng bagay na 'yon samin.

'Knight, ganyan din ang naramdaman ko kanina nung natataranta akong kumuha ng mga kailangan ni Seya para linisin ang sugat niya, pa-parang kidlat na gumapang ang vision ko sa buong building para mabilis na makita ang mga pinapahanap ni Galen. Hindi mo ba napansin? Ang bilis ko kanina, hindi 'yon normal sakin diba?' ngayon ay boses naman ni Mac ang umalingawngaw sa utak ko.

Oo nga, napansin ko rin 'yun, ang bilis niyang nakabalik nang pinahanap ko siya ng alcohol, gunting at tela. Wala pa atang limang minuto kung hindi ako nagkakamali.

Kung ganon, isa lang ang ibig sabihin nito, hindi rin normal si Knight at Mac tulad ni Seya. May mga pambihirang abilidad din silang nakatago at ngayon lang nila natuklasan.

Pero nandito ako ngayon sa guest room at nasa kwarto nila silang dalawa na kung tutuusin ay malayo ang pagitan. Pero paano ko naririnig ang usapan nilang dalawa?

Tiyak na hindi ito nagagawa ng isang normal na tao, hindi kaya? Katulad rin nila ako?

~
A/N: Unti-unti na ngang nadidiskubre ng mga boys ang kanilang mga hidden abilities. Abangan ang mga susunod na kabanata kung paano nila ito magagamit sa mga susunod nilang mga misyon.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon