KNIGHT
;Napahinto sa pagkilos ang mga pulis na papasok sana sa kwarto ni Franklin Gordola para hulihin ako, talagang siya ang pinaka-mayaman na tao dito sa Voidezzare dahil nag-hire pa siya ng mga pulis para bantayan siya.
Kung tama ang sinabi ni Galen na pekeng Seya ang nagbigay sa amin ng mga misyon na ito, nasaan kaya ang totoong Seya? Bakit gusto niyang ipapatay sakin si Franklin Gordola? Hindi naman siguro trip lang ang pinapagawa niya samin, I know there’s a reason behind these.
Hinawakan ko si Franklin at nag-teleport kami papunta sa Hillary Bridge. Muli kong pinadaloy ang oras at nagtaka siya nang mamalayan niya na nasa ibang lugar na siya. Malakas ang hangin dito sa tulay at tanaw mula sa ibaba ang banayad na tubig ng lawa, pinagdudugtong ng Hillary Bridge ang Shaddow Division at Black Division, ngunit wala namang masyadong dumadaan dito.
Nag-teleport ako palapit sa kanya at sinakal ko siya hanggang sa umabot kami sa hangganan ng tulay. Napapalingon siya sa likod niya, bakas ang takot sa mukha niya na baka ihulog ko siya dito.
“Ano bang kailangan mo sakin?” naguguluhang tanong niya, “Anong atraso ko sayo?” wika nito, sumagi ang tanong na iyon sa isip ko. Tama, ano nga bang kasalanan niya at bakit gusto siyang ipapatay ng pekeng Seya? Kung sinuman ang nagpadala ng pekeng Seya para lokohin kami malamang ang mga taong iyon ang gustong magpapatay sa lalaking ito.
“Just transfer all your money into this bank account” malamig na wika ko, hindi ko man gusto na gawin ito pero kailangan para sa kaligtasan ko at ni Seya sa kamay ng mga dumukot sa kanya.
“Iyon lang ba? Gagawin ko ang inuutos mo, huwag mo lang akong patayin” pagmamakaawa nito, binitawan ko siya mula sa pagkakasakal at ibinigay ang Voidezzare Bank card ni Seya sa kanya. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa niya at sinimulan niya ang transaction sa paglilipat ng lahat ng pera niya patungo sa bank account ni Seya. “Transfer completed” wika nito at iniabot sakin ang card, nagulat ako ng agad niyang pinilipit ang kamay ko at itinulat ako sa tulay, mabuti at nakahawak ako sa dulo nito kaya hindi ako tuluyang nalaglag sa lawa.
Lumapit siya sa akin at tumawa, “Malamang ipinadala ka ng Suarez League para iligpit ako”
“Suarez League?” naguguluhang tanong ko sa kanya habang pilit na kumakapit sa semento para di ako tuluyang malaglag.
“Maang-mangan kapa, hindi ba’t ipinadala ka nila dito para patayin ako?”
Suarez League? Sila kaya ang nagpadala sa pekeng Seya para linlangin kami? Sila kaya ang tunay naming kalaban?
“Tss! Magpapadala nalang ng tauhan nila, yung mahina pa. Hindi-hindi na nila ako mapapag-invest ulit sa kanila” wika nito.
Invest? Bakit ano bang kompanya ang pinapatakbo ng Suarez League?
Aktong aapakan niya ang mga kamay ko para bumitaw pero nag-teleport ako at napunta sa likod niya. Inagaw ko sa kanya yung card at agad na itinulak siya sa lawa. Kaagad siyang bumulusok pababa at mabilis na lumubog sa tubig. Sana marunong siyang lumangoy, maya-maya ang bumubula-bula na ang parteng pinaghulugan niya. Ilang minuto na siyang hindi nakakaahon, malas niya at nagkataong hindi pala siya marunong lumangoy.
Napansin ko na malapit ng lumubog ang araw, nahagip ng mga mata ko ang isang kapirasong papel sa kalsada, agad ko itong dinampot at bumalik sa hideout. Sa wakas, natapos ko narin ang misyon ko.
-
SCARLET
;Ginamit namin ang pagpapahinto ni Knight ng oras para itali ang mga miyembro ng Scelestus Gang, pinagbuhol-buhol namin sila ng lubid hanggang sa nasigurado namin na sa puntong muling pagdaloy ng oras ay hindi sila makakakilos laban samin. Kinuha namin ang mga baril nila at pinagsisira namin ang mga ito.
BINABASA MO ANG
WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2)
FantasyRevenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Revenge Note: Don't read of you haven't finish with 'GENIUS IN A GANG' this book is a sequel.