Chapter 6: His Dream

264 16 1
                                    

KNIGHT
;

"I'm Seya Mendez" pagpapakilala ni Seya sa sarili niya sa lalaking ni-rescue namin. Mabuti nalang at hindi siya nabaril sa puso kaya nagising parin siya, may awa parin kahit papaano ang gumawa sa kanya niyan.

Tumango naman siya sa pagpapakilala ni Seya, "Ako naman si Mac, ang pinaka-gwapong lalaki dito sa lungsod, umangal sapok" sabi naman ni Mac na nagpatawa saming lahat. Haha! Kahit kailan talaga 'tong si Mac, walang masabing matino. Dumating sa puntong ako naman ang magpapakilala pero agad nagsalita 'yung lalaki "Kilala kita, Ikaw si Knight Peterson hindi ba? Ang pinaka-sikat na rebelde" tanong niya na agad ko namang kinumpirma, hindi naman imposibleng kilala niya ako, pulis siya at siguradong pinaghahanap nila ako. Tumango nalang ako sa mga sinabi niya.

"And you are?" malamig na tanong ni Seya, nakatingin siya sa lalaki habang nakahiga ito sa kama ng guest room.

Bumangon siya pero nakaramdam siya ng kirot kaya inalalayan namin siya, "Ako si Galen Ruiz, pulis ako sa lungsod natin" huminto siya at parang may malalim siyang iniisip "Teka? Kayo ba ang nagbigay ng ebidensyang 'yon sakin?" bigla niyang tanong at napahampas siya sa noo niya.

Nagkatinginan kaming tatlo na kaagad naman niyang kinuha bilang sagot na 'oo'

"Pero bakit? Ipinahamak niyo ko dahil sa ginawa niyo!" naguguluhan nitong sabi samin at tiningnan kami isa-isa.

"Dahil alam kong tutulungan mo kami" tipid na sagot ni Seya na mas lalong nagpagulo sa utak ni Galen, "Para makita ng lahat ang totoong pagkatao ni Olivar, at para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama ko" seryoso kong sabi habang unti-unti nanamang bumabalik ang galit na nararamdaman ko.

"Hustisya para sa ama mo? Ang tinutukoy mo ba ay si Wyatt Peterson ang dating head inspector bago si Sir Olivar? Eh diba ikaw ang pinaghihinalaang pumatay sa sarili mong ama?" sunod-sunod na tanong ni Galen, nakaramdam ako ng galit sa kanya dahil pinagbintangan niya ako, pero mas nanaig sakin ang pag-unawa dahil hindi naman niya alam ang nangyari, napaikot talaga ni Olivar ang lahat ng tao at napaniwalang ako talaga ang may sala.

"Na-frame up ako, si Olivar Nunez ang totoong pumatay sa tatay ko, Nainggit kasi siya sa posisyon ni Dad kaya nagawa niya 'yon! Pagkatapos ay ginamit niya ang hindi namin pagkakaintindihan ni Dad para idiin ako sa pagpatay sa kanya" mahaba kong paliwanag, hindi ko hinihiling na paniwalaan niya ako, nasa kanya ang bagay na'yon. Pero sa tingin ko dahil sa nalaman niya tungkol kay Olivar ay mapapadali siyang maniwala sa mga sinasabi ko.

"Woah! All this time, ikaw ang pinaghahanap naming mga pulis pero hindi namin alam na nasa harap na pala namin ang tunay na may sala" seryosong sabi ni Galen, gumawa siya ng kamao dahil sa nalaman niyang pagpapaikot sa kanila ng boss nila. "Huwag kang mag-alala, tutulong na ako para makamtan mo ang hustisya, tsaka isa pa, alam kong siya rin ang may gawa nito sakin para hindi ko ilabas ang ebidensyang ibinigay niyo sakin"

"Pero nakita naming basag na ang cellphone ni Olivar sa sahig ng unit mo, Wala na tayong alas laban sa kanya" nag-aalalang sabi ni Mac.

Nanlaki ang mga mata ni Galen dahil sa sinabi ni Mac, mukhang may naalala siya. "Teka, yu-yung flashdrive ko!" sigaw ni Galen na bumigla samin. "Anong flashdrive?" tanong ko kay Galen. "Nai-back up ko sa flashdrive ko yung pictures at datas!" wika ni Galen at tiningnan kaming lahat, kailangan nating makuha 'yon bago maunahan ng iba.

"Ako ng bahala" seryosong sabi ni Seya at bigla siyang nawala, nag-teleport siguro siya papunta sa tinutuluyan ni Galen.

Nahagip ng mga mata ko ang naguguluhan reaksyon ng bago naming kasamahan. "Na-nasaan na siya? Nandiyan lang siya kanina ah?" wika ni Galen at inalog ang ulo niya, iniisip niya sigurong nababaliw na siya, huwag kang mag-alala Galen, hindi lang ikaw ang dumaan sa ganyan.

"Hindi ka namalikmata, kaya niya talagang mag-teleport" paliwanag ko kay Galen dahil sa naguguluhan niyang reaksyon. Pero mukhang hindi parin siya kumbinsido, malamang hindi parin siya makapaniwala.

Ilang saglit ay muling lumitaw si Seya sa harap namin, dala niya ang isang pulang flashdrive. Kumurap kurap si Galen dahil sa muling pagpapakita ni Seya, "Wow" tanging salitang nabanggit ni Galen habang nakatulala kay Seya. "Ang cool" dagdag niya at bigla siyang nahimatay. La? Nawalan ba siya ng malay dahil sa nakita niyang ability ni Seya?

"Kailangan niya pang makabawi ng lakas" pagpapaliwanag ni Seya samin ni Mac dahil agad kaming nag-panic. Hindi naman kasi kami tulad ni Seya na daig pa ang bato sa kawalan ng pakiramdam.

"Magpahinga na tayo, may pababagsakin pa tayo bukas" wika ni Seya at agad na naming iniwan si Galen sa guest room. Nagtungo na kami ni Mac sa kwarto namin at si Seya naman ay sa office niya, mukhang wala pa yata siyang balak magpahinga.

"Congrats Bro! Mabibigyan mo narin ng hustisya ang tatay mo" wika ni Mac ng marating namin ang kwarto namin, agad kaming nahiga sa magkahiwalay na kama. "Salamat" sagot ko kay Mac at gumuhit ang isang ngiti sa labi ko. Sana nga, sana nga mabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ni Dad at malinis narin sa wakas ang pangalan ko.

Marami pa kaming napag-kwentuhan ni Mac tulad ng tungkol sa misteryosong si Seya, kung saan nanggaling ang mga abiludad niya at hanggang sa napunta naman kami sa buhay ni Galen. Isang pulis na biglang nagbago ang buhay dahil sa kademonyohan ng head inspector ng aming lungsod.  Pagkatapos ng mahabang usapan ay nakatulog narin kami ni Mac.

~

"Hailey hindi natin alam kung anong mga kaya niyang gawin, Ipinasa sa kanya ni Victor Suarez ang mga misyon niya. At darating ang panahon na muling masisira ang kapayapaan na matagal nating ipinaglaban dahil sa batang 'yan" wika ng isang lalaking boses, may pag-aalala sa tono ng kanyang mga binitawang salita.

Hindi mapakali ang babae sa kanyang sarili, naglalakad siya sa kwarto nila at pabalik balik, hindi alam ang gagawin.

"Anong dapat nating gawin Skull? Anak natin siya, hindi natin siya pwedeng patayin nalang!" sigaw naman nung babaeng tinawag na Hailey, mukhang mag-asawa silang dalawa.

"Pero kung hindi natin gagawin 'yon ay magiging malaking banta siya sa lahat ng tao sa lungsod, kahit sa buhay natin, Isipin mo Hailey, nagalit lang siya sa kaklase niya kanina pero muntik niya na itong mapatay dahil sa abilidad niya" wika naman nung lalaki. Pinatigil niya ang asawa at hinawakan niya ito sa balikat.

"Kailangan na nating mag-desisyon" dagdag pa ng lalaki, at unti-unti ng tumulo ang luha sa mga mata nila. Nagyakapan silang dalawa habang sabay na umiiyak.

"Hindi ko kaya Skull" wika nung babae, hinimas ng lalaki ang asawa niya sa likod nito. "Kakayanin natin mahal"

Hindi nila alam na sa pag-uusap nilang iyon ay nakasilip sa pintuan ng kanilang kwarto ang anak nila. Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa mga narinig niya.

"Papatayin ko kayong lahat"  seryosong sabi nung bata at kumislap ang mga mata niya.

~
| KNIGHT |

Naghahabol ako ng hininga matapos kong magising mula sa isang panaginip, napabalikwas din si Mac dahil hindi sa biglaan kong paggising. "Anong nangyari sa'yo?" inaantok na tanong ni Mac habang nagpupungas ng mga mata.

"Wala, panaginip lang, tulog na ulit tayo" sagot ko sa kanya at muli kaming bumalik sa pagkakahiga.

Sino ang mga taong napaniginapan ko? Bakit parang pakiramdam ko ay konektado ang panaginip na iyon sa pagkatao ko. Hindi ko nalang inintindi ang iniisip ko at sinubukan na muling makatulog.

~
A/N: Hi guys! Unti-unti na ngang nabubuksan ang nakaraan ng ating mga bida. Sino nga ba ang mga taong napanaginipan ni Knight? Paano niya kaya nakita ang mga bagay na iyon? Parte kaya iyon sa mga natatago niyang abilidad? Alamin..

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon