Chapter 11: Next In Line

221 15 0
                                    

KNIGHT
;

Tatlong araw na ang lumipas matapos ang pagsiwalat namin ng totoong katauhan ni Olivar Nunez, medyo nakabawi narin ng lakas si Seya mula sa pagkakabaril sa braso niya. Sa mga araw na iyon ay tumambay lang kami dito sa ruta, blessing in disguise dahil nabigyan kami ng pagkakataon na mas makilala pa si Galen. Marami kaming kwentong nalaman tungkol sa kanya, at napag-alaman din namin na talagang iisa lang ang hangarin naming apat, ang maipaghiganti ang mga mahal namin sa buhay. Hindi ko alam kung anong takbo ng tadhana sa amin pero feeling ko ang galit na lumiliyab sa mga puso namin ay ang invisible na tali na nagbuklod sa aming lahat.

Galen's trying to prove himself, nasabi niyang kaya siya nagpulis dahil gusto niyang magtanggol ng mga taong nangangailangan, the thing that he didn't do for his parents. Isang krimen ang tumapos sa buhay ng mga magulang niya labing walong taon na ang nakararaan. Pero sinisisi niya ang sarili niya dahil noong mga panahong iyon ay wala siyang nagawa para iligtas sila.

Sinabi niya ang mga bagay na iyon sa amin, ibig sabihin lang nun ay pinagkakatiwalaan niya kami. At parte narin sa plano namin ang pagkamit ng hustisya para sa kanyang mga magulang.

Nandito ako sa common room kasama sina Mac at Galen, nakahiga si Mac sa sofa habang may binabasang diyaryo. Si Galen naman ay nakaupo sa isang couch at naka-de-kwatro at parang may  malalim na iniisip. Habang ako nagbubuo ng isang rubics cube na hiniram ko mula sa office ni Seya.

"Hey guys" nagulat kaming lahat ng pumasok si Seya ng common room at binati kami sa pinakawalang emosyon na paraan. Her presence is something that you can't easily ignore.

"We have next in line" dagdag niya kaya lahat kami ay naguluhan. Si Mac ay natigil sa pagbabasa habang si Galen naman ay napatingin sakin suot ang kanyang naguguluhang ekspresyon. Nagkibit balikat ako para sabihing hindi ko rin alam ang sinasabi ni Seya.

"Ok, have you heard about the Robber Twins?" tanong ni Seya kaya mas nadagdagan ang tanong sa mga mukha naming lahat except Mac. Parang may alam siya sa sinasabi ni Seya.

"Yung kambal na babaeng magnanakaw?" sagot ni Mac kaya tumama sa mukha niya yung diyaryong binabasa niya kanina, panigurado si Seya nanaman ang may gawa nun.

"Tinagalog mo lang eh! Robber Twins! Kambal na magnanakaw, Mac can you be serious even just a couple of time?" seryosong sabi ni Seya kay Mac pero hindi siya nito pinakinggan. "Oo nga! Kambal na magnanakaw! Ito oh! Nabasa ko kaya dito sa diyaryo na nagnakaw sila sa isang magkapatid na milyonaryo tapos pinasabog nila ang isang hotel kung saan sila nag-check in!" sagot ni Mac para ipaliwanag ang sarili niya kay Seya, he sounded like he's sure of himself kaya sa tingin ko ay alam niya nga ang tungkol sa pinagsasabi ni Seya. May dulot din naman pala ang pagbabasa niya ng diyaryo, akala ko kasi nasa entertainment section siya at bumubuo ng mga crosswords puzzles.

"Ano namang gagawin natin sa Robber Twins na'yan?" tanong naman ngayon ni Galen kaya natuon ang atensyon ni Seya sa kanya. "We need them" maikling sagot nito kaya mas dumami ang tanong sa utak ko.

"Para saan?" tanong ko naman, ang hirap talagang intindihin ang isang taong kalkulado na ang lahat ng mga bagay sa kanya samantalang ikaw ay naiwan na  gulong-gulo.

"Knight sa inyong lahat, ikaw talaga ang may pinaka-maingay na isip! Kailangan natin sila dahil ang susunod nating target ay ang may-ari ng Voidezzare Bank" sagot ni Seya. "Si Mr. Waltz Carter"

"Ha? Bakit naman may-ari pa ng Voidezzare Bank? Ano bang masamang nagawa niyan satin?" muling tanong ko, sinabi niyang ako ang may pinakamaingay na utak saming lahat eh, paninindigan ko. Tsaka hindi kami basta-basta pumipili lang ng target kung sinong mapag-tripan naming pabagsakin. Lahat ng mga target na nakalagay sa red portfolio ay may tiyak na koneksyon at atraso saming lahat.

"Mac answer them" wika ni Seya at lahat ng atensyon namin ay nadako kay Mac. Matagal na kaming magkakilala ni Mac pero kahit kailan ay hindi pa siya nag-kwento sakin tungkol sa mga nakaraan niya. Una kaming nagkakilala ng makita ko siyang pinagkakaisahan ng isang gang sa Dimlight Division dalawang buwan matapos ang pagkamatay ni Dad. Nagpagala-gala din kasi ako nung mga panahong iyon dahil pinaghahanap ako ng mga pulis dahil idinidiin nila ako sa pagpatay sa sarili kong ama. Tinulungan ko si Mac na takasan 'yung gang na muntik na siyang patayin kaya simula nun ay lagi na siyang bumuntot sakin. Sinubukan ko siyang turuan ng mga basic self defense para ipagtanggol ang sarili niya at magamit namin sa paghihiganti. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano at sino ba ang mga ipinaghihiganti niya.

"Normal lang kaming pamilya noon, hindi mayaman hindi rin naman mahirap, nakatira kami sa White Division nila Mom, Dad at ang isa ko pang nakababatang kapatid na lalaki. Isang araw napagdesisyunan ni Dad na mag-invest sa Voidezzare Bank para daw sa future namin ng kapatid ko. Nag-se-save siya ng pera na kinakaltas niya sa sahod niya sa pagiging CCTV camera installer. Nag-aral kasi ang Dad ko ng Information Technology kaya iyon ang naging trabaho niya. Masaya naman ang pamilya namin noon, nakaka-kain kami ng sapat sa isang araw. Pero nagbago ang lahat ng magkaroon daw ng nakawan sa bangko ng lungsod. Lahat ng mga account ay nabawasan at hindi alam kung saan na-transfer ang mga pera. Pinaghihinalaan ng lahat na si Mr. Waltz Carter ang may kagagawan nito dahil may malaki siyang utang na kailangan niyang bayaran kaya binawasan niya ang lahat ng pera ng mga nag-i-invest sa bangko niya. Pero nagulat ang lahat isang linggo makalipas ang insidente ay napatunayan na hindi ibinulsa ni Mr. Carter ang mga pera, bagkus isang investor ang nagnakaw nito at makikita sa account ng nasabing investor ang mga nawawalang pera" tuloy tuloy na kwento ni Mac hanggang sa napakuyom ang kanyang kamao dahil sa galit na bumalik sa kanya.

"Nang imbistigahan ang lahat ng investors ay nadiskubre ng mga may otoridad na nasa account ni Dad ang lahat ng mga nawawalang pera, ginamit nilang ebidensya laban kay Dad ang pagiging I.T personnel niya kaya niya daw nagawang i-hack ang sustem ng Voidezzare Bank, pero alam kong hindi iyon magagawa ni Dad, nangako siya samin na hinding hindi niya gagamitin ang kakayahan niya sa pangha-hack para sa mga masasamang bagay."

"Naniniwala akong hindi nagkataon ang lahat, may isang taong nag-set up sa kanya para siya ang sisihin sa insidente. At ang taong iyon ay si Mr. Carter" pagtapos ni Mac ng kwento habang naiwan akong lutang, hindi ko alam na ganun pala ang pinagdaanan ni Mac, ibig sabihin nung mga panahong nakita ko siya ay napariwara nadin ang buhay niya.

"Nasaan na ang mga magulang at kapatid mo ngayon?" tanong ni Galen na tuluyang naging dahilan para makita namin ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Mac.

"Pinatay sila ng mga tauhan ni Mr. Carter para hindi na niya magawang ipagtanggol ang sarili niya"  sagot ni Mac na tuloy tuloy parin ang pag-iyak. Pumunta ako sa sofa at umupo sa tabi niya, inakbayan ko siya at hinimas ang likod niya. Nang sa gayon ay kahit papaano gumaan ang bigat na nararamdaman niya.

"We're sorry to hear that Mac, pero sisiguraduhin nating maipahihiganti natin sila. Ibabalik natin sa Mr. Carter na'yan ang ginawa niya sa pamilya mo." wika ni Galen at tiningnan ng seryoso si Mac.

"But in able to success with that, Kailangan nating mapabilang sa grupo natin ang Robber Twins na'yan. This case is their expertise." wika naman ni Seya.

"Ok, kumilos na agad tayo" seryoso kong sabi at sumang-ayon naman ang lahat.

Now, it's time for Mac's revenge!

~
A/N: Yon ohhh! May nabuksan nanamang history sa buhay ng ating mga bida. Pero sino kaya sa Psychic Gang ang ama ni Mac? Clue: He's the hacker of the gang!

Makumbinsi din kaya nila ang Robber Twins na umanib sa kanila para maging matagumpay sa next nilang target? Abangan..

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon