Chapter 34: Saviour

124 6 1
                                    

KNIGHT
;

"They are like us" wika ni Mac na nakapukaw ng atensyon naming lahat, papunta na sana kami ngayon sa Dim Light Division para iligtas si Seya sa mga taong dumukot sa kanya but Mac told us that he knows someone that could be our alliance.

"Sino sila? Are you sure na magiging kakampi natin ang mga taong iyon?" pag-usisa ni Crimson.

Mac nodded. "Sinabi nilang bunga daw sila ng eksperimento ng Suarez League, I have this feeling na may connection sila sa atin"

"Suarez League?Sino ang mga taong iyon?" nagtatakang tanong naman ngayon ni Scarlet.

"Sila ang samahang nagpapatay sa mga magulang natin at ang may pakulo ng lahat ng ito, kung bakit tayo nabuo at ang parehong samahan na dumukot kay ate Seya" wika ni Yarah, napatingin kaming lahat sa kanya. Ngayon ay unti-unti ko ng napag-dugtong ang lahat. Ang mga misyon na ipinagawa sa amin ay taktika ng Suarez League para ma-dispatya ang mga dati nilang kasamahan na tumiwalag sa kanila?

"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?" ngayon ay ako naman ang nagtanong, naalala ko pa na sinabi ni Franklin Gordola sa'kin na ang Suarez League daw ang maaring gustong magpapatay sa kanya, sinasabi niya ring hindi-hinding na siya mag-iinvest dito. So ibig sabihin, dati siyang parte ng samahan na iyon.

"Nalaman namin ang bagay na iyon dahil sa misyon naming pagpatay sa ka-alyansa ng Suarez League na si Antonio Hernandez, ang kasalukuyang Health Bureau Secretary ng Voidezzare. Natuklasan din naming ka-alyansa siya noon ng Suarez League pero kumalas ito kaya ipinapatay siya ng mga tauhan ng Suarez League, for sure the reason is to disclose the information about their activities." Paliwanag naman ni Kuster.

So tama nga ang iniisip ko, ang mga misyon naming iyon ay magkakaugnay. Lahat ng mga gustong ipapatay sa amin ng Pekeng Seya ay ang mga taong gusto nilang paghigantihan, maaring may nagawa ang mga itong masama sa kanila o dating kasamahan na tumiwalag.

Talagang ginamit nilang pain si Seya para magamit nila kami para patayin ang mga taong tumiwalag sa kanila. Ngayon ay sisiguraduhin naming mababawi namin si Seya at hindi-hinding na nila kami maiisahan. Kami mismo ang magpapabagsak sa kanila.

"Kung dati silang pinag-eksperimentuhan ng Suarez League, ibig sabihin ba nun ay nagkaroon din sila ng mga natatanging abilidad tulad natin?" tanong naman ngayon ni Galen.

"Oo, ipinakita nila sa akin ang mga kaya nilang gawin. Sinabi nilang kung nanaisin natin ay maarin natin silang maging kakampi laban sa Suarez League" aniya Mac.

Wala na dito ang pekeng Seya, marahil ay bumalik na sa ruta ng Suarez League.

"Ano pang hinihintay natin, puntahan na natin sila ngayon" wika ni Galen.

"Not now, we need to save Seya first" singit ko naman, mas kailangan naming mabawi kaagad si Seya sa mga dumukot sa kanya ngayong alam namin na talagang masasama silang tao. Hinding-hindi sila mag-dadalawang isip na saktan si Seya kapag pilitin nito na tumakas. Nasisigurado kong hindi rin basta-bastang kalabanin ang mga taong iyon dahil tiyak na malakas sila, iniisip ko palang na lahat ng mga nangyari sa buhay namin ay gawa at planado nila ay sapat nang dahilan para huwag naming maliitin ang mga kaya nilang gawin.

Kaagad nang humawak sa akin si Galen, at Mac para mag-teleport papunta sa Dim Light Division. Kay Kuster naman humawak sila Crimson, Scaret at Yarah, dahil nai-kwento niya sa amin kanina na na-diskubre niya ang kanyang teleportation ability nang isagawa nila ang misyon nila kanina.

Agad kaming nakarating sa tahimik at payapang dibisyon ng Voidezzare, ito ang pangalawa sa pinaka-konting populasyon sa mga dibisyon ng lungsod, pang-una ang Shaddow Division kung saan nakatirik ang hideout namin. Ang Dim Light Division kasi ay pinaninirahan lamang ng mga taong gusto ng tahimik na buhay, dahil kaunti lamang ang mga tao at hindi dikit dikit ang mga bahay. Parang isang probinsya na payak at simple lang ang pamumuhay.

Ang mga tao naman dito ay hindi ganoon kayaman kung ikokompara sa mga namamalagi sa White at Black Division o sa Sentro ng lungsod, pangunahing ikinabubuhay nila ay ang pagtatanim at panghahayupan. Karamihan sa mga bahay dito ay yari lamang sa kahoy o kawayan, pero may mga naligaw din naman ditong mga mansion. Na minsan lang din naman magkaroon ng tao dahil pawang mga rest house lamang ang mga ito. Hindi ko alam kung totoo ang mga kumakalat na balita na ang ibang mga mansion daw dito ay sikretong pagawan ng droga, hindi ko alam kung totoo gayong hindi pa naman iyon napapatunayan ng mga may awtoridad.

"Ang lawak ng Dim Light Division, saang banda natin hahanapin si Seya?" tanong ni Scarlet sa amin dahil unti-unti nang dumidilim dito sa kalsadang nilalakaran namin. Sira pa naman ang mga street lights sa gilid kaya sa oras na lumubog na nang tuluyan ang araw ay mas mahihirapan kaming hanapin siya. May mga bahay kaming nadadaanan pero mukhang nasa loob ang mga may-ari nito at natutulog na, marahil ang rason ay dahil maagang nagsisimula ang araw nila sa pagtatanim kaya sa mga ganitong oras ay nagpapahinga na sila.

Tiningnan ko ang mapa na pinagdikit-dikit namin kanina, natuon ang atensyon naming lahat sa binilugan na salita sa mapa gamit ang pulang tinta - ang Puhon Street.

"Nasa Duyog Street na tayo, isang kanto nalang at Puhon Street na" wika ni Mac.

Oo nga pala, naalala ko. Dito nga pala kami nag-kakilala ni Mac, nang araw na iligtas ko siya sa mga taong gustong manakit sa kanya noong isang taon. Nasabi niya sa akin na dito siya nagpagala-gala noong ipinapatay ni Mr. Waltz Carter ang mga magulang niya kaya malamang ay kabisado niya ang pasikot sikot dito sa Dim Light Division.

Tumakbo na kami papunta sa Puhon Street dahil nasabi naman ni Mac na isang kanto nalang daw ang layo nun dito sa Duyog.

-

Nang marating namin ang Puhon Street ay iginala ko ang aking tingin sa paligid, natanaw ko ang malaking bahay na malapit sa amin. Wala itong ilaw sa loob, at mukhang isa ito sa mga rest house na nandito sa Dim Light Divison, nasaan si Seya?

"Guys watch out!" sigaw ni Yarah nang makita niyang may isang itim na bagay ang tumapon sa harap namin - bomba ang isang 'yan!

"Atras!" sigaw ko, pero huli na ang lahat dahil kaagad itong sumabog at nagtalsikan kami sa iba't ibang direksyon.

Nanlabo ang paningin ko, sinubukan kong tumayo pero kaagad din akong bumagsak sa lapag. Hinanap ko ang mga kasama ko at nakahandusay din sila sa lapag - walang malay.

Naisahan kami ng Suarez League, isa itong patibong. Bakit hindi ko ito naisip? Ang tanga-tanga ko.

Mga yabag ng paa narinig ko, papalapit ito sa amin. "Padalos-dalos kasi kayo ng kilos, nakalimutan niyong tuso ang mga kalaban niyo HAHAHAHA" halakhak ng isang pamilyar na boses, kahit na nahihilo ako ay alam ko na boses iyon ng pekeng Seya.

'Dito naba magtatapos ang mga pinaglalaban namin?' puro negatibo na ang naiisip ko dahil sa sama ng lagay ng mga kasama ko. Nakita kong may dugo sa noo ni Mac habang wala rin itong malay.

Pinilit kong tumayo at hinarap ang pekeng Seya, "Hindi ka patas lumaban! Ang sabi mo kapag nagtagumpay kami sa mga misyon na ibinigay mo ay makikita na namin si Seya?!" sigaw ko habang paika-ika na lumalapit sa kanya. Ang tanga lang dahil hindi ko naisip na mangyayari ito, ano pa nga bang inaasahan ko sa tulad niya? Nagpanggap siya at niloko kami na siya si Seya kaya hindi na nakakapagtaka na hindi siya tumupad sa ipinangako niya ngayon.

Nakatanggap lamang ako ng tawa mula sa kanya. "At sa tingin mo ganun-ganun lang 'yon? Hindi kami tanga para pakawalan ang isang tao na maaring makagambala sa mga plano namin" sagot nito.

"Ngayon ay wala na kayong silbi para sa amin, kaya sabay-sabay kayong mamamatay ngayon! HAHAHAHA" wika niya at itinaas ang kaliwang kamay niya, umapoy ito kasabay ang paglagablab din ng kanyang mga mata. Lumaki ang apoy sa kamay niya at naging pabilog ito, isang bolang apoy na kung tatama sa amin ay tiyan na magiging mitsa ng kamatayan namin, walang malay ang mga kasama ko kaya hindi sila makakalaban.

Aktong pakakawalan niya na ang bolang apoy patapon sa direksyon ko nang biglang isang malaking bato ang dumagan sa kanya galing sa likod niya, napipit ang katawan nito at kumislap kislap sa lapag. Maya-maya ay sumabog ito at nagtalsikan ang mga parte. Sino ang may gawa nun? Nabalot ng pagtataka ang isip ko.

Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko ang tatlong tao na papalapit.

Tuluyang nanlabo ang paningin ko hanggang sa hindi ko na sila maaninag, naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa lapag.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon