KNIGHT
;Clueless, that's a perfect word to describe our feelings right now. Medyo naguguluhan parin ako sa mga nangyayari at ang mas nakakainis pa ay hindi man lang ipinapaliwanag samin ni Seya kung ano ang deal na pinagsasabi nila kanina, all I know is just we have been kidnapped by these students na nasa harap namin. The good thing is na-rescue kami ng mga girls but these students asked for a deal na sinang-ayunan naman agad nila para pakawalan kami in return. But the question is what's the deal about? Baka ipahamak lang kami ng mga estudyanteng 'to.
Hmm. Mukha palang nila, parang hindi na mapapagkatiwalaan. Hindi ko lang alam kung ganoon din ang nararamdaman ni Mac at Galen, but one thing is for sure: alam ni Seya ang ginagawa niya.
Kasalukuyan kaming umiinom ng tea dito sa living room ng bahay na ito at wala ni isang bumabasag ng katahimikan na namamayani bukod sa mga kulisap na nag-iingay sa labas. Nasa gitna kasi ng kagubatan itong bahay, at sa tingin ko kung mga katulad namin silang rebelde, marahil dito ang kanilang hideout or secret base. Kinda cool. But to think that they are just students, I doubted na mga rebelde sila, baka mag-jowa lang 'to na gusto ng magtanan at magpakalayo layo.
"Stop that stupidity mister" agad akong bumalik sa tamang wisyo ng makita kong matalim na akong tinititigan nung babae na nasa harap namin.
"What? I do nothing" I asked casually at binigyan siya ng isang curious na tingin. Wala naman akong ginagawang masama, well bukod dun sa pag-iisip ko ng mga speculations patungkol sa katauhan nilang dalawa ng kasama niya.
"We're not in a relationship if that's what you think"sagot nung babae at nakita ko ang bahagyang pamumula ng mga pisngi niya.
"Oh, I see. But your face speaks differently" I smirked habang pinagmamasdan din ang reaksyon nung lalaki na medyo nahihiya narin at nakapako ang tingin sa mga kamay niyang nakapatong sa lamesa.
Mukhang magiging shipper ako ng dalawang 'to ah.
"Okay enough, we're just going to pretend that we believe" pang-aasar naman ni Scarlet na pakiwari ko'y kinikilig din sa dalawa. Aba naman, parang kanina lang mainit ang dugo nila sa dalawang estudyanteng 'to ah. Atleast kahit papaano ay nagiging magaan ang loob namin sa mga taong 'to, sometimes instinct is right in terms of character attribution.
"Teka, baka gusto niyo munang magpakilala samin?" suhestiyon ni Mac na sinang-ayunan naming lahat, habang tahimik lang si Seya na nasa tabi ko.
Napansin ko ang pasimpleng ubo nung lalaki at nagsalita.
"Hmm. I'm Kuster, 18 years old" tipid na sabi nito sa isang malamig na tono.
Napatango naman kami at natuon ang atensyon sa babaeng kasama niya. Now it's her turn to introduce.
"Yarah, 17" wika nito at tumingin ng seryoso sa mga mata namin. "And yes, mga estudyante kami galing sa Thylomac High."
"Ohhh, so di naman pala nalalayo ang edad niyo samin, ako nga pala si Crimson at ito ang kakambal kong si Scarlet we're already 21" wika nito at itinuro ang nakangiting kakambal sa tabi niya. Buti nalang at medyo darker red ang kulay ng buhok ni Crimson dahil kung hindi malilito ka sa kanilang dalawa dahil sobrang laki ng resemblance ng mga mukha nila.
"So your names are based on the color of your hair? How cool!" tanong ni Kuster na medyo na-amaze sa kambal.
"Yup, obviously" sagot ni Scarlet.
Nagpakilala rin kami nila Mac at Galen, hanggang sa si Seya nalang ang hindi pa kilala nila Kuster at Yarah.
"Huy Seya" tinapik ko ang balikat niya at agad niya akong binigyan ng kanyang signature look, daig pa ang kulang sa tulog kung titigin ako ng masama eh.
BINABASA MO ANG
WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2)
FantasyRevenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Revenge Note: Don't read of you haven't finish with 'GENIUS IN A GANG' this book is a sequel.