KNIGHT
;Dumating na ang araw na pinakahihintay ko at ng grupo. Ang pagpapabagsak namin sa head inspector ng lungsod at pagsisiwalat ng mga dapat malaman ng mga tao tungkol sa kanya. Sa wakas ay makakamit ko narin ang hustiyang matagal nang nagmumulto sakin.
Hindi na ako nakatulog dahil sa isang panaginip ko kagabi kaya maaga kaming nakapaghanda para sa aming pasabog, agad kaming pumunta ni Mac sa guest room at ginising si Galen, mabuti naman ay nakabawi na siya ng lakas kaya nagawa niya ng tumayo, pero dahil nga sariwa pa ang sugat niya ay kailangan niyang hindi muna masabak sa mga mabibigat na gampanin. Agad kaming nagpulong sa office ni Seya.
"Galen, hindi ka muna makakasama" seryosong sabi ni Seya, napansin naman namin ang pagkuyom ng kamao ni Galen. "Hindi, sasama ako, gusto ko ring lumaban" sagot ni Galen kahit na medyo nakakaramdam parin siya ng kirot.
"Pero baka mas lalong lumala ang kondisyon mo, Kami na muna ang kikilos" nag-aalala kong sabi, pero alam kong hindi parin siya kumbinsido. Kitang kita namin sa kanya na gusto niya talagang makatulong.
"Sige, kung 'yan talaga ang gusto mo" desisyon ni Seya at napangiti naman nito si Galen, tss! Parang may ibang ibig sabihin ang ngiting iyon ah? Argh! Ano bang pake ko?
"May press-con ngayon si Olivar Nunez sa sentro. Dahil sa isang charity program na bubuksan niya para sa mga homeless childs" wika ni Galen at tiningnan kaming lahat.
"Tama, perfect timing 'yan para i-showcase ang mga kademonyohan niya" sagot ko naman sa kanila dahil may naiisip na akong plano. Agad gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at naramdaman ko na ganun din si Seya.
"Nice Knight, naisip ko narin 'yan" sabi ni Seya dahil nabasa niya nanaman ang iniisip ko. "But I will let you to do the honor" dagdag niya at sinabing ako na ang gagawa ng execution.
"Ok, hindi ko kayo bibiguin guys" sagot ko naman sa kanila at lumikha ng isang determinadong ngiti.
"Mac, ikaw naman ang magsisigurado na hindi makakatakas si Olivar kapag nagawa na ni Knight ang plano." wika ni Seya kay Mac at tumango naman agad ito para sumang-ayon. "Ok, copy"
"Galen, ikaw ang magliligpit sa bawat pulis na maaring maging hadlang sa plano" sabi ni Seya para malaman ni Galen ang gagawin niya. Sumaludo sa kanya ito bilang pag-sang ayon. "Yes ma'am!"
"At ako naman ang bahala sa pagpapaamin kay Olivar sa ginawa niyang pagpatay sa ama ni Knight" muling sabi ni Seya, Binigyan niya naman si Galen ng isang baril dahil naiwan ni Galen ang baril niya sa unit niya. Agad naming binunot ni Mac ang mga baril namin para makita ni Seya.
"Ok, Task designated, Now it's about time" seryosong sabi ni Seya at agad na kaming humawak sa kanya, Nung una ay nag-alangan pa si Galen pero binuhat ko nalang ang kamay niya papunta sa balikat ni Seya. "Minsan may mga bagay na hindi kapanipaniwala, pero totoo" nakangiti kong sabi sa kanya pero binigyan niya lang ako ng 'puzzled look'. Mukhang magiging magkaibigan kaming dalawa.
Agad ginamit ni Seya ang kanyang space bending ability at sa isang iglap ay hinigop kami ng isang lagusan patungo sa stadium ng sentro. "Wow" tanging salitang lumabas sa bibig ni Galen dahil sa pagkamangha. Parang naalala ko tuloy ang sarili ko sa kanya nung unang araw ko ring nakita ang mga ability ni Seya.
"We're here" anunsyo ni Seya habang tinitingnan namin ang entrance ng stadium na may bantay na mga pulis. Siyempre, head inspector ang guest sa event ngayong araw kaya naman talagang full security.
"Hindi tayo makakapasok ng ganito ang suot natin" wika ni Galen at napatingin kaming lahat sa damit namin, mga naka-itim kaming tatlo nila Seya at Mac, halatang mga rebelde kami kung titingnan. Samantalang si Galen naman ay naka-pantulog pa dahil 'yon ang huli niyang suot ng i-rescue namin siya sa unit niya.
"Tara dun tayo sa clothing store" pagyaya samin ni Seya. Bigla nalang may lumitaw na pera sa kamay niya, wow! kaya niya ring mag-summon ng mga bagay-bagay sa mga malalayong lugar? Astig.
"Ito 'yung pera na ninakaw natin" wika ni Seya at nginitian kami ni Mac, naguluhan naman si Galen dahil hindi niya alam ang pinagsasabi ni Seya. "Mahabang kwento" natatawang sabi ni Mac para alisin na ang naguguluhang ekspresyon ni Galen.
Agad kaming pumasok sa clothing store, mabuti nalang at naka-facemask kaming lahat kaya walang nakakilala samin, agad kaming pumili ng pormal na mga damit sa clothing store, agad akong nag-suot ng isang floral na polo at isang black jeans, kumuha rin ako ng isang rubber shoes pamalit sa tsinelas kong malapit ng mapudpod para mas maging pormal tingnan. Pagkatapos kong magpalit ay isinuot kong muli ang aking mask para magbayad sa counter, napag-desisyunan kasi naming maghiwa-hiwalay sa pagbayad para hindi kami paghinalaan ng mga tao.
Hinintay ko sila sa labas ng clothing store at pagkatapos ng ilang minuto ay nakumpleto narin kami. Naka-leather jacket na si Galen habang naka-stripes maroon shirt naman si Mac.
Si Seya? Ayon, naka-blouse at skirt with matching high heels. Wow? Grabe! babaeng babae siya ngayon ah!Agad kaming pumunta sa entrance ng stadium at patay malisyang pumasok sa loob, wala ng nakapansin samin dahil sa dami narin ng taong mga pumapasok at mga bisita sa gaganaping presscon. Nagdagsaan din ang mga manunulat at mga media para antabayanan ang magaganap na event.
Naka-upo naman na sa bawat monoblocs ang mga batang wala ng tirahan at ulila na dahil sila ang dahilan ng event na ito, Samantalang ang mga panauhin naman ay nasa mga bleachers.
Umalingaw-ngaw ang boses ng emcee sa puntong pagsisimula ng programa. Inabisuhan ang lahat na ang magaganap na presscon ay live na mapapanood sa estasyon 45 sa bawat telebisyon sa lungsod. Gumuhit ang ngiti sa labi ko, edi mas maganda! Mas maraming makakasaksi sa aming pasabog!
"Maghiwa-hiwalay na tayo" utos ni Seya at mabilis kaming nagpunta sa bawat lugar kung saan kami na-assigned.
Unting oras nalang at masasaksihan na ng mga tao sa lungsod ang ka-demonyohan mo Olivar Nunez. Sisiguraduhin kong pagkatapos ng event na ito ay wala kang ibang babagsakan kundi ang kulungan.
~
A/N: Magtagumpay kaya ang ating mga bida sa kanilang plano? Mapanindigan kaya nila ang kanya-kanya nilang assigned task? Abangan!Ps. Gagamit ako ng 'Third Person' sa next chapter para mas broaden ang ideas at plot:) Keep on reading guys!!
BINABASA MO ANG
WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2)
FantasyRevenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Revenge Note: Don't read of you haven't finish with 'GENIUS IN A GANG' this book is a sequel.