01 | Forced

781 23 0
                                    

Chapter 1: Forced

KNIGHT
:

"Ano namang mapapala namin sa'yo?" tanong ko sa babaeng nagdala samin dito sa ruta niya, sa pagkakatanda ko ay Seya ang pangalan niya. Nakaupo siya sa isang swivel chair at nakatalikod samin, tingin ko ay may malalim siyang iniisip.



Bakit ba kasi kailangan niya pa kaming isama sa mga plano niya? Sa totoo lang kaya niya namang mag-isa dahil sa mga abilidad na taglay niya, kahit ano pang naisin niya ay siguradong madali niya lang makukuha kaya bakit kailangan niya pa kaming gawing kaalyado? May sarili kaming galaw ni Mac, at hindi din namin kailangan ng kakampi dahil matagal na rin kaming nabuhay ng ganito, laging nagtatago, mainit sa mata ng batas, pilit tinatakasan ang isang krimen na hindi naman namin ginawa, tinutugis kami ng mga otoridad kahit wala silang sapat na patunay.




Kaya eto, pinanindigan nalang namin ang mga bintang nila, wala ng lugar samin ang pagbabago dahil ang mga tao mismo ang humusga samin. Wala ng dahilan para sumunod sa batas, wala ng dahilan para maging mabuti, dahil ang kabutihan ang nagiging kahinaan ng lahat ng tao.




Isang taon narin kaming pagala-gala at hindi naman kami matugis ng mga pulis, sanay na kami sa pagtatago at nagawa naman naming mabuhay kahit mailap samin ang lahat ng tao.




Kung hindi niya lang kami tinakot kanina ay hindi talaga ako sasang-ayon sa kanya, pero hindi namin siya kilala at wala kaming ideya sa mga kaya niyang gawin kaya hindi magiging maganda kung magmamatigas pa ako.




"We will rule this city" tipid niyang sabi at humarap na samin. "What do you mean?" naguguluhan kong tanong na naging dahilan para gumuhit sa labi niya ang isang masamang ngiti.



Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak niya, ang hirap niyang mabasa, at higit sa lahat, ang itim ng pagkatao niya. Saan kaya nanggagaling ang galit niyang 'yon?




"Paghaharian natin 'tong lungsod at paluluhurin natin ang lahat ng mga taong humusga satin" sagot nito at binigyan ako ng isang matalim na tingin, kalalaki kong tao pero aaminin kong nakaramdam ako ng panlalamig sa presensya niya, ang layo ng pagkatao niya ngayon sa babaeng nakasagutan ko kanina. Siya ang nagpatunay sakin na hindi dapat agad magpadala sa unang impresyon.




"Seya, sorry pero hindi ganun kataas ang pangarap ko, imposible 'yan" sabi ko at naramdaman ko naman na humigpit ang pagkakawak sakin ni Mac. "Nababaliw kana ba? Um-oo kana kanina diba?" nanginginig na sabi ni Mac. Ayoko naman talaga eh, napilitan lang ako, binabawi ko na ngayon.




"Nagbago na ang desisyon ko, Hindi na kami makikipagtulungan sa'yo, kaya mo na 'yan dabest ka naman diba? Galing mo nga eh! Isipin mo may mga abilidad kang ganyan! Di mo na kami kailangan miss" pabiro kong sabi, nakita kong nag-iba ang reaksyon niya ng marinig niya iyon mula sakin, mukhang nagalit ata siya, patay!



Nakita kong lumutang ang mga matutulis na ballpen na nagkalat sa lamesa niya papunta sa direksyon namin ni Mac, nanlaki ang mga mata namin sa ginawa ni Seya, shit! dapat ba hindi ko siya ginalit?




"Then if that's your decision, Go- to - hell!" seryoso nitong sabi at biglang bumulusok sa direksyon namin yung mga ballpen.


"Joke lang!! Ito naman oh! Di mabiro!" biglang nalaglag sa lapag yung mga ballpen ng sabihin ko yun. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, akala ko katapusan ko na, kahit naman patapon na ang buhay namin ay hindi ko ginustong matapos ang buhay ko sa ganito.



"Okay na! Kaalyado mo na kami! Totoo na talaga 'to, wala ng bawian, pramis! peksman! mamatay ka man! ay este, kami pala." natatawa kong sabi pero sa loob loob ko ay kinakabahan parin talaga ako. Grabe, ang angas naman ng babaeng 'to, parang walang emosyon! Siyempre kahit papaano meron 'yan, tao parin naman siya. Tinatago niya lang siguro.




"Knight hindi ako nakikipag-biruan dito" sabi niya habang nilalaro ang kamay niya. Teka paano niya nalaman ang pangalan ko, hindi pa naman ako nagpapakilala sa kanya ah?




"No need, I can hear and read thoughts," sabi nito at tumayo na sa swivel chair, may kinuha siyang portfolio sa lamesa niya at ibinato sakin, muntik na akong matamaan sa mukha, mabuti nalang at nasalo ko ito.





"Ano 'to?" naguguluhan kong tanong ng makita ko ang pulang portfolio. "Bakit di mo tingnan?" sarcastic nitong sagot at may kung anong kinuha sa drawer ng lamesa.




Binuksan ko ang portfolio at agad kong nakita ang iba't ibang mga mukha. Sino ang mga 'to?




"They are our targets" sagot ni Seya nang makita niya ang naguguluhan kong ekspresyon. Tsk! Ang hilig mangbasa ng utak!




"Catch!" sabi ni Seya at biglang may ibinato samin ni Mac na tig-isang baril, agad ko naman itong nasalo dahil unti-unti na akong nasasanay sa ugali niya, mahilig siyang manggulat kaya dapat sanayin ko na ang sarili kong maging alerto sa pagiging marahas niya.




Alam kong marami pa akong hindi alam sa kanya pero sisiguraduhin kong mas makikilala ko pa siya. Nararamdaman kong pareho lang kami ng pinagdaanan, at parehas lang kami na may gustong patunayan. Parehong itinakwil ng lipunan.




"See the first person in that portfolio?" tanong ni Seya kaya napatingin ako sa mukhang nakadikit sa first page.




"Siya si Olivar Nunez, ang head inspector ng lungsod natin, Kilala mo siya diba?" pagtatanong sa'kin ni Seya.



Napatango ako para kumpirmahin ang tanong niya, "Alam kong may malaki siyang atraso sa'yo" dagdag niya at nagbigay siya sakin ng isang seryosong tingin. Biglang bumalik lahat sakin ang nangyari isang taon na ang nakakalipas, lumikha ako ng kamao dahil sa galit na unti-unting bumalik sakin.





"Siya ang uunahin natin" seryosong sabi ni Seya at muling gumuhit ang isang ngiti sa labi niya, alam kong may malaki na siyang binabalak. At kapag kasama namin siya ni Mac, tiyak na mapapadali ang lahat ng bagay para samin.




Buo na ang pasya ko, sa pagkakataong ito ay makikipag-alyansa na kami sa kanya. Salamat sa babaeng 'to. Binuhay niya ang paghihiganting matagal ko nang itinago.



~
a/n: editing ongoing... pls. vote for better lives y'all!

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon