Chapter 32: Back story of Kuster 2

107 6 0
                                    

KUSTER
;

Hinanap na namin kung nasaan ang demonyong pumatay sa mga magulang ko nang marating namin ang Health Bureau Office, it’s time to take a revenge on him. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na singilin siya sa lahat ng mga kasalananan niya sa akin at sa pamilya ko. Now it’s get easy dahil parte na ng mission namin. Bukod sa makakapaghiganti na ako sa kanya ay maililigtas pa namin si Seya, ang kapatid ni Yarah.

Kahit hindi ko pa man siya lubusang kilala, alam kong mabuti siyang tao, kung may galit man sa puso niya ay nasisigurado kong may pinanggagalingan ito.

“Ah miss excuse me. Nasaan yung office ni Secretary Hernandez?” tanong ni Yarah sa isang babaeng nakasalubong namin sa hallway. May suot itong i.d at paniguradong dito siya nagtatrabaho.

“Sorry? Pero sino kayo? Anong kailangann ninyo sa kanya?” pagpapaulan nito ng tanong sa amin at kinilatis kami.

“Uhmm kausapin namin  siya” sagot ko naman, napataas ng kilay nung babae na parang hindi naniniwala sa amin. “Kung anuman ang sasabihin niyo, sabihin niyo na sa akin. Ako na ang magsasabi sa kanya” wika nito. Napakagat ako ng labi dahil sa inaasal niya, kapag ako napikon dito ihi-hypnotize ko ‘to.

“Ahh private matter po kasi” palusot naman ni Yarah kaya napailing ulit yung babae.

“Ongoing ang meeting nila ngayon sa office niya kasama ang mga board members, baka mamaya niyo pa siya maka-usap” sagot niya samin at nilagpasan niya na kami.

“Hindi mo pa sinagot ang tanong namin, where’s his office?” bulalas ko dahil medyo napipikon na ako sa babaeng ‘to. Pasalamat siya at may mga taong dumadaan.

Hindi na kami nilingon nito at nagsalita na lamang ”Sa third floor, Room 104.” Wika nito habang nagpatuloy sa paglalakad, nawala na siya sa paningin namin ng pumasok siya sa isang room.

Nagkatinginan kami ni Yarah at sumakay sa elevator, narating namin ang third floor at agad na hinanap ang room 104.

“Here” wika ni Yarah at sumandal sa tabi ng pinto ng room 104.

Sumilip ako sa salamin na pinto at nakita kong nagsasalita si Secretary Hernandez sa harap ng mga board members, may powerpoint sa gilid niya na tumutungkol sa mga health issues sa Voidezzare. Tsk! Sinong mag-aakala na ang disenteng secretary na ito ay traydor at nagawang pumatay para maging malinis ang pangalan niya.

Maya-maya pa ay nagpalakpakan ang mga tao sa loob na hudyat ng pagtatapos ng pagsasalita ni Secretary Hernandez, ilang saglit ay tumayo na ang mga board members at aktong lalabas na ang mga ito, nagpatay malisya lang kami ni Yarah ng makalabas na sila at hindi naman nila kami nabigyan ng atensyon. Sumulip muli ako sa silid at nakita ko si Secretary Hernandez na may inaasikaso nang mga papeles sa lamesa niya.

Agad kaming pumasok sa loob, napansin niya kami at naningkit ang mga mata niya.

“Hmm. Anong sadya ninyo dito mga anak” wika nito sa akin, napatawa ako sa sinabi niya. Mukhang hindi niya na ako nakikilala.

“To kill you traitor” wika ko at nanlaki ang mga mata niya. Napahawak siya sa cellphone niya at aktong may tatawagan pero nagliyab iyon ng pagmasdan ko.

“Are you the son of Caleb?” nanginginig na tanong niya sa akin.

“Yes, nakakabigla ba na hindi pa ako patay?” wika ko sa kanya.

“Nagkakamali ka ng iniisip” pagpapaliwanag nito. Dinukot ko ang baril sa tagiliran ko.

“Huwag mo ng bilugin pa ang ulo ko” itinutok ko iyon sa kanya, napansin kong nagbubutil na pawis sa mukha niya. Sinigurado naman ni Yarah na naka-lock ang pinto para walang makapasok kung sakaling may makakita sa amin mula sa labas.

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon