CRIMSON
;"These guys are so impressive" napabulong ako ng mabasa ko ang kabuuhan ng balita sa araw na ito. Inirolyo ko ang newspaper at hinampas ito sa palad ko. Akalain mong napabagsak nila ang isa sa mga kinikilala at nirerespetong personalidad ng lungsod na ito ng ganun ganun lang? Isang head inspector na sobrang influential. They have something that I can't explain, they are so damn amazing!
Well, sa tingin ko naman ay hindi sila makakaapekto sa mga plano ko, they have their own business and I also have one. Sa oras na ito hindi ko lang maiwasang humanga sa kanila dahil kinalaban nila ang lahat ngunit nagawa nilang apat na manaig parin. Hindi ako madaling mapabilib, ngunit nagawa nila na ngayon, sigurado na akong malakas talaga ang bawat isa sa kanila.
"Let's go?" pag-anyaya ni Scarlet ng matapos siyang mag-lipstick at mag-ayos ng sarili niya. Mukhang handang-handa siya ngayon ah. Siyempre, dapat talagang maging presentable kaming tingnan, kagandahan ang puhunan namin para kumita ng malaking halaga, don't make wrong guesses, we're not prostitutes, bawd, call girls or whatever do you want to call it.
"Yeah" tipid kong sagot at inilapag na sa lamesa ang dyaryo. Lumabas na kaming dalawa ng condo unit at mabilis na bumaba sa parking lot. Sumakay kaming dalawa sa kotse namin at napagdesisyunan naming ako na ang magmaneho.
Mabilis kaming nagtungo sa Satier's Club. Isa sa mga kilalang party club dito sa lungsod. Ngayon ay handa na muli kaming magtrabaho. Binuksan ko ang pintuan at pumasok kami sa isang lugar na maingay, puno ng mga taong nagkakasiyahan at palipasan ng oras ng mga mayayaman. Mukhang makakabingwit nanaman kami ng milyon ngayon.
Agad kaming pumwesto ni Scarlet sa counter at umupo, um-order kami ng tig-isang vodka habang naghihintay sa maaring mabihag ng alindog namin, para kaming mga magnet na naghihintay maka-attract ng metals.
Ang likot ng mga lights kaya medyo masakit sa mata, pero carry lang, tiis ganda. Nagkakasiyahan ang lahat, alive ang beat ng mga sounds na pinipili ng dj na patugtugin kaya nakakadagdag sa energy ng mga tao.
Maya-maya ay may kumagat narin sa pain, lumapit samin ang dalawang lalaking hitik ng mga kwintas na ginto at mga palawit sa katawan. Mukhang mayaman sila kung titingnan, pero kailangan parin namin silang kilatisin, mataas ang halaga namin kaya hindi kami nababagay sa mga walang pera. Pero mukhang may ibubuga naman ang dalawang 'to.
"Why you're just standing here ladies?" wika ng isang lalaki at humarap ito sakin habang in-entertain naman ni Scarlet yung isa. Uminom ako ng vodka at agad siyang sinagot. "Uhm. Actually we never been to party like this" nahihiya kong sabi at hinawakan ang kwelyo niya na parang nang-aakit.
Napatingin siya sa kamay ko na unti-unting tinatanggal ang butones ng polo niya, good, he's falling for it! Sa taglay ko ba namang ganda, sinong hindi mabibiktima?
"Wow, you're good at playing huh, can we continue it somewhere?" nakangiting sabi ng lalaking kaharap ko, dalang-dala na siguro siya sa pang-aakit ko sa kanya kaya ipinakita niya sakin ang bank account niya sa cellphone niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kabuuhan ng pera niya. Milyonaryo ang nadagit ko ngayong gabi.
"Yeah sure baby" nang-aakit kong sabi at agad kaming lumabas ng Satier's club kasama 'yung isa niya pang kasama at si Scarlet. Mukhang magkapatid yung dalawang lalaki judging on their physical features.
Pumasok kami sa isang hotel katabi ng Satier's Club at nag-check in kami sa iisang room na apat, pagpasok namin sa loob ay mayroon itong dalawang kama, maaliwalas ang kwarto at maamoy mo ang nakakahalinang air freshener na ginamit sa kwarto, may mga rose petals din na nakalatag sa dalawang kama at wine na nakalagay sa side table.
Sinigurado kong locked ang room habang nakikipag-kwentuhan naman si Scarlet sa dalawang lalaki sa kama, pumunta ako sa side table at nilagyan ko ng wine ang dalawang glass. Nginitian ko sila habang pa-simpleng hinahaluan ang wine ng pampatulog. Napansin ni Scarlet ang ginagawa ko kaya mas nilibang niya pa yung dalawang lalaki. Ng matapos kong lagyan ng pampatulog yung wine ay agad ko itong inialok sa dalawang lalaki.
"Thanks" sagot nung partner ko at nginitian ako. Sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon kaya hindi na ako kinikilabutan sa kanila. "Always for you babe" sagot ko at hinimas ang binti niya.
"Uhm, Crimson, his name is Santi pala" sabi ni Scarlet na tinutukoy ang partner ko, malamang nalaman niya yun ng makipag-kwentuhan siya sa kanila kanina. "And this handsome man naman is Schovich" maarteng sabi ni Scarlet, mahusay talaga siya sa pagkilala ng mga targets namin. Mabilis niyang nalalaman ang mga background informations nila.
'They're came from a millionaire family, magkapatid sila galing sa India' umalingawngaw ang boses ni Scarlet sa utak ko. 'At ang bank account nila ay may laman na 56 million dollars, ang swerte natin ngayong gabi!' excited na pagtapos niya ng mga nasagap niyang impormasyon.
Nginitian ko si Scarlet habang unti-unting iniinom ng mga targets ang wine na binigay ko sa kanila. Walang pang isang minuto ng bigla silang nabuwal at nawalan ng malay.
'Success!' wika ko sa utak ni Scarlet. 'Not yet Crimson, don't celebrate too early' pagsaway niya sakin at agad na kaming kumilos sa totoo naming plano.
Kinuha ko ang cellphone ni Santi sa bulsa nito. Pinunta ko ito sa bank account nilang magkapatid at nakita ko nga ang 56.4 Million na laman ng account nila. Ng subukan kong i-transfer ang pera nila patungo sa account ko ay biglang nag-interrupt ang isang security icon, kailangan ng fingerprint ng owner para maumpisahan ang transferring.
Agad akong nagtungo kay Santi at binuhat ang thumb niya para i-swipe sa security icon at sa isang iglap ay nabuksan ito. Sinimulan ko na ang paglipat ng pera nila patungo sa account ko habang si Scarlet naman ay umiisip na ng paraan para malinis na i-dispatya ang mga targets.
Nasa puntong 89% na ang transferring ng biglang gumalaw ang kamay ni Santi, nagulat ako ng bigla itong bumangon at napansin niyang hawak ko ang cellphone niya. "What are doing with my--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng barilin siya ni Scarlet, muli siyang nawalan ng malay at umagos ang dugo mula sa dibdib niya, binaril din ni Scarlet si Schovich para hindi na ito makaantala pa sa aming plano. Mabuti nalang at may silencer ang baril ni Scarlet kaya hindi ito lumikha ng malakas na ingay.
"Transfer Completed" wika ko ng matapos na ang paglipat ko ng pera nila patungo sa account ko, ngayon ay zero balance na ang bank account ng magkapatid. "Umalis na tayo" wika ko kay Scarlet at agad naman niyang nilagay ang isang lighter sa loob ng isang microwave oven. Pinagana niya ang oven at mabilis kaming lumabas ng hotel room.
Tumakbo kami palabas ng hotel at hindi na namin nagawang mag-log out. Naririnig ko ang pagbibilang ni Scarlet sa utak niya '5...4....3...2...' hindi pa natatapos ang countdown niya ng biglang may sumabog sa loob ng hotel.
Nagkagulo ang lahat habang kami ay pa-simpleng bumalik sa kotse naming nakaparada sa gilid ng Satier's Club. Pinaandar ko na ang kotse habang nakapinta sa mga labi namin ang isang malawak na ngiti.
"Easy money" sabay naming sabi at nagtawanan kaming dalawa habang tumatakas.
~
A/N: Hi guys! New characters introduced, The Robber Twins!Meet Crimson and Scarlet! Magiging kakampi kaya sila ng mga Rebelde? Abangan!
BINABASA MO ANG
WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2)
FantasyRevenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Revenge Note: Don't read of you haven't finish with 'GENIUS IN A GANG' this book is a sequel.