02 | Persona

544 14 0
                                    

Chapter 02: Persona
KNIGHT

:

Hindi ko alam kung anong pinasok namin ni Mac. Isang bagay lang ang natitiyak ko, delikadong tao si Seya. Hindi siya normal at malayo siya sa pagiging ordinaryo.

Nararamdaman ko ang malalim na galit niya, pero hindi ko malaman kung saan ito nanggagaling. She's too subtle and difficult to analyze. Pero kaya nga kami nakipag-alyansa sa kanya dahil gusto kong malaman kung ano pa ang mga kaya niyang gawin, kung sino siya at kung bakit niya gustong mamuno sa lungsod na ito.





Sigurado akong may dahilan ang lahat, bawat tao ay may itinatagong kwento, bawat sugat ay tiyak na may pinanggalingan. Kaya naniniwala ako na may malalim na dahilan si Seya kung bakit niya pinili ang ganitong buhay. Isang buhay na laging nagtatago, palaging sumasalungat sa batas, at ipinaglalaban ang maling katwiran.





"Tara sa training area ko," seryosong sabi ni Seya at lumabas na sa office niya, agad kaming sumunod sa kanya ni Mac at tahimik na bumaba sa itinuro niyang training area niya.





Isang abandonadong building ang ruta ni Seya. Liblib ito at hindi napupuntahan ng mga tao. Bukod pa dito, nasa Shaddow Division kasi ang location ng building na ito kaya imposible talagang may magawi ditong tao, kung meron man, tiyak na mga kriminal iyon at mga gangs na walang inatupag kundi ang maghasik ng kaguluhan. Para kasi sa mga patapong tao ang Shaddow division, kinatatakutan itong puntahan dahil maraming bali-balita na marami daw ditong nagtatagong mga takas sa kulungan, mga rebelde at mga terorista na gustong gumanti sa pamahalaan.






Nagtungo kami sa isang madilim na basement, ito na siguro ang sinasabi ni Seya na training area niya.





Pumiltik ang mga kamay ni Seya at biglang bumukas ang mga ilaw sa basement, Mas nakita ko ang paligid. May mga glass cabinets sa magbilaang gilid, bawat glass cabinets ay naglalaman ng mga iba't ibang klaseng baril, kutsilyo, bomba, at marami pang klaseng armas.




Woah! Grabe! Inipon niya kaya ang mga 'to?





Nagbukas ako ng isang cabinet at kumuha ng isang shot gun, grabe! ngayon lang ako nakahawak ng ganito. Pwede kayang subukan?






"Yeah here," sabi ni Seya kaya napatingin ako sa kanya. Oo nga pala, nakakabasa siya ng isip.





Pinapunta ako ni Seya sa isang gilid kung saan may target na mukha ng tao sa dulo. Napansin ko na ang bawat mukha na nandoon sa portfolio na ipinakita niya sakin kanina ay siya ring mga targets na nandito ngayon.






"Asan na yung baril na binigay ko sa'yo kanina?" pagtatanong ni Seya kay Mac na nakadikit lang sakin. Tss! Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyayari, siguro ay hindi parin nagsi-sink in sa utak niya na meron kaming kasamang isang babae ngayon na may taglay ng nakakabilib na kakayahan.




"Ah, ahaha nandito." sagot ni Mac at binunot sa tagiliran niya yung calibre 48 na binigay samin kanina ni Seya. Kinakabahan parin ang mokong.




"Ok, sige try to shoot those targets one by one, masanay na kayong bumaril, dahil hindi maiiwasan na makapatay tayo kapag may maingkwentro tayong mga pulis." seryosong sabi ni Seya at kumuha rin ng isang baril.





Tama siya, hindi maiiwasang pumatay kami dahil sa paglaban namin, kaya dapat maging handa kami sa mga ganitong bagay.





Nag-focus ako sa mga targets at tiniyak kong matatamaan ko ang mga ito, ayokong mapahiya kay Seya at ma-fail ang expectations niya samin.




Kahit papaano naman ay marunong akong bumaril kaya hindi na ako nabigla nang matamaan ko sa noo yung target.


"Wow Knight! Galing mo!" sigaw ni Mac dahil sa nakita niya. Natawa ako sa pagpuri niya sakin samantalang seryoso lang na nakatingin si Seya sa target na natamaan ko. No reaction? Well siguro hindi na bago sa kanya ang bumaril kaya hindi na siya nagulat.






Nag-concentrate din si Mac at binaril ang next na target, hindi narin masama dahil tumama ito sa pisngi ng target. Wow! Nag-iimprove si Mac! Mabuti naman at may pinatutunguhan ang pagtuturo ko dito sa mokong na'to.






"Nice Mac" pagpuri ko sa kanya.








"Basic." seryosong sabi ni Seya at bumaril din sa mga targets, nanlaki ang mga mata ko nang hindi niya man lang ito nadaplisan, as in hindi niya ito natamaan. Nagbibiro ba siya? Baka kinagat lang ng lamok yung kamay niya kaya nawala sa focus yung direksyon nung bala. Sinubukan niya ulit bumaril pero hindi siya ulit nakatama.





"Bwisit!" tipid niyang sabi at tinigilan na ang pagbaril.








"Akala ko ba basic lang?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin, binigyan niya ako ng mga matatalim na tingin kaya agad akong natakot. woah grabe, ang terror!






"Oh ano ngayon? kaya ko nga kayo ni-recruit diba? Ngayon alam niyo na kung anong pakinabang niyo sakin— lahat ng mga armas na 'yan ay hindi ko alam gamitin." sabi niya na parang natatawa. Nge?Ano ba talagang ugali meron siya? Minsan nakakatakot siya, may oras din naman na makulit siya, tapos ngayon parang ang totoo lang ng mga sinasabi niya. May Multipersonality disorder ba siya?





"Talaga? As in hindi ka marunong gumamit ng armas na inipon mo, so para saan 'yang mga armas mo?" nakuha nang magsalita ni Mac, mukhang nakukuha niya na kung paano pakisamahan 'tong si Seya.





"Sinabi ko na diba? Kailangan talagang paulit-ulit ipaalala sakin na wala akong alam sa mga 'yan? Kaya  ko nga kayo kinuhang kakampi diba? Kasi alam kong malaki ang maitutulong niyo sakin." paliwanag ni Seya, ngayon ay mas naliwanagan na ako, kaya naman pala pinilit niya kaming umanib sa kanya dahil kahit malakas na siya interms of her abilities ay kulang pa siya sa fighting skills. Hindi ko inakala na kahit ang simpleng pagbaril ay hindi niya kaya, aminado akong malakas talaga si Seya, pero ngayon ay mas nalaman ko kung bakit kailangan niya talaga kami.






"Ok so what's the plan with Olivar Nunez?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. Alam kong meron na siyang plano and I want to know it para makatulong sa mga tactics na gagawin namin.






"We're going to ruin his image as head inspector of this city, ilalabas natin lahat ng baho niya" seryosong sagot ni Seya at biglang umapoy yung picture ni Olivar sa mga target. Nanlaki ang mga mata namin sa nangyari, paano nangyari 'yon? Her mind was so powerful, as in hindi niya kami nabibigong pahangain sa mga abilidad na ipinapakita niya samin.





"Then let's start." sabi ko at nilagay na ang hawak kong shot gun sa tagiliran ko.





Ngayon, magbabayad kang traydor ka. Gumawa ako ng kamao dahil sa muli kong naalala ang mga atraso niya sakin. Magsisisi ka sa pagdiin mo sakin sa isang krimen na hindi ko ginawa. Humanda ka sa paghihiganti ng isang Knight Peterson.





~

WIZ AND THE REBELS (Defying Trilogy #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon