Philippines
2019-Present
Today, Rhiana and Bea will meet to hang out, so Jolo and Thirdy decided na sila din. The girls will just go to the mall because Rhi will shop for clothes for Canada, while Jolo and Thirds will be playing basketball.
"Text me pag tapos na kayo ah. Sunduin na lang namin kayo," Thirdy reminded Beatriz.
"Huy! You said that a million times na," Bea said na natatawa.
"Baka lang makalimutan mo. You don't usually check your phone eh."
"Aye, aye, Captain."
They're driving sa mall na pupuntahan ni Bei and Rhi.
"Are we near na? Rhi texted, andon na daw sila."
"Yes. Mga 5 mins," Thirdy said.
Ayaw kasi ni Bea ng nalalate, so kapag bumibisita siya dito, Thirdy makes sure na on time siya kahit di niya alam places dito.
After a few more reminders, iniwan din ni Jolo and Thirdy ang girls to do what they want to do.
"Hassle! Daming bilin," reklamo ni Rhi.
"Did Jolo shop already?"
"Yeah. Madami yung time."
"Paano nakakaya ni Jolo?" Bea asked while papasok na sila sa first store.
"Ang alin?"
"Na you are busy tapos siya madaming time."
"I don't know also. Isa lang naman hiling niya sakin eh, one month leave every year."
"Oh, that's a good idea ah."
"Yep. This time gusto na niya ng anak eh. Alam mo naman stress nating mga doctor. 5 years na kaming kasal, di pa din makabuo."
"Hmmph. Pagbalik mo here, tatlo na kayo."
Rhi laughed. "Pray for that, please."
The two girls bonded really well. They shopped for clothes, accessories, shoes, and when both of them are tired na, they decided to eat.
"Please tell me we are going to eat at Manam," Bea said.
"Thirdy told me nga about your addiction sa Ube Sago," Rhi said, laughing.
And Bea won. They ate nga sa Manam.
"Beatriz, how long ka dito?"
"NY has been my comfort zone kasi talaga, pero I think 2 years is enough experience naman na, no? I'm thinking of working here na lang eh."
Rhi is surprised but really happy for Thirdy. Alam kasi niya ang frustrations ni Thirdy sa LDR setup nila.
"FINALLY," she said.
Natawa naman si Bea. "Pero don't tell muna kay Thirdy ah. Another hospital kasi in NY offered, eh sobrang laki ng sweldo. Pinagiisipan ko pa talaga."
"You can work naman in our hospital. I'm sure Dad will be so happy to have you around. You are so famous kaya in our field because of the magazine that featured you as a young doctor who volunteered in missions."
"Alam mo, almost everyone told me about it, pero di ko pa nababasa talaga."
"Seryoso?" Rhi is shocked.
"Yep. Too busy siguro."
"Grabe, Bea!"
While they're enjoying their food, sabay nagvibrate ang phones ni Bea at Rhi. They answered.
"Jolo?"
"Thirdy?"
"Hospital?"
"What hospital?"
"Okay, ingat kayo."
"Take care, love."
Nagkatinginan na lang yung dalawa at tinapos ang pagkain nila.
After a few more minutes, lumabas na si Rhi and Bei kasi dadating na yung dalawang mokong. Jolo arrived at nakabuntot din ang kotse ni Thirdy.
"Bakit di na lang one car?" Bea asked pag sakay niya.
"Ayoko na balikan yung kotse dito sa mall eh."
Bea nodded.
Nanganak na kasi si Mikki, and sobrang OA daw ni Anton when he called Thirdy and Jolo na he needed help.
"Ano matutulong namin? Wala pa kaming ganyan," natatawang sagot ni Jolo.
"Oo nga. Hindi pa nga ako kasal," sagot ni Thirds.
"Puntahan niyo na lang ako dito. Ayaw sumagot ni Van. Siya tong dalawang beses na nakaranas nito eh."
"Baka naging Chef na din sa The Pearl," Jolo jokingly said.
At after non, dumiretso na sila to pick up Rhi and Bei.
Pagdating nila sa hospital, Mikki is sleeping, and si Anton naman di mapakali at palakad-lakad.
"Para kang tanga, Anton," Jolo said.
"Kinakabahan ako. Okay lang ba si Mikki? Di masyado nagsasalita eh, tapos pagdating namin dito, nakatulog na siya."
"Malamang! Tanga to! Pagod yan!" Thirdy answered.
Pero natatawa talaga silang apat kay Anton.
After a few minutes, kumatok yung nurse to bring the baby.
When they saw how cute and precious the baby is, nagkumpulan sila sa bed ni Mikki. Sobrang speechless nilang apat seeing Mikki and Anton so happy with tears sa mata nila.
"May name na ba?" Jolo asked.
"Yeah. Lianna Antounette," Mikki said.
"Hirap naman ispell non," sagot ni Thirdy.
Anton is talking to Lianna.
"Napakaganda naman ng anak ko."
"Bawal magboyfriend."
Tawang-tawa sila, but Anton's phone vibrated at pinahawak niya muna si Lianna kay Bea since ito yung katabi niya.
Bea carried her inaanak and swayed her gently.
"Parang pwede na ah," tukso ni Rhi at Mikki.
"Bagal ni Thirdy eh," Bea blurted out, na ikinasamid naman ng umiinom ng tubig na si Thirdy.
"Ikaw pala mabagal talaga, Thirdy eh," asar ni Jolo sa kaibigan.
Tinitigan lang ni Thirdy si Bea habang nilalaro nito si Lianna.
When Anton came back, inutusan niya ang mga kaibigan.
"Padala naman kayo pagkain mamaya, oh! Dadating sila Mama."
"Ayan si Chef na mabagal, oh," Jolo said.
"Okay, sige. Dadaan naman kaming resto eh," Thirdy said coldly.
"Flight namin bukas, Anton! Pagbalik ko na lang pabinyagan yan, hoy," paalala ni Jolo.
"Oo na. Umalis na kayo at bigyan ng kalaro si Lianna," Anton said.
"Kami ni Rhi gagawa talaga. Yung dalawa kaya, anong plano?" Jolo teased.
"Wag kaya ako magdala ng pagkain mamaya," Thirdy said na parang pikon na sa kanila.
"Edi nagutom ako! Thirdy naman. Padala mo na lang din dito sa staff mo. Bakit ba kasi walang delivery ang The Grid?" reklamo ni Mikki.
Bea handed Lianna back to her parents at saka sumama palabas kay Thirdy. She held his hand at nagtataka bakit nabadtrip ang nobyo.
