Chapter 2 The Accident

727 16 1
                                    

Niana POV,

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ako palaging napupunta sa ilalim ng malaking puno nato.

Hayy humiga ako sa damuhan at tinignan ang maraming bituin hanggang sa may nakita akong bulalakaw kaya nag wish ako na sana hndi ako masamang tao nung buhay pa ako

At bumalik nanaman ang lahat nang katanungan sa isip ko kung ano ako noon hayy ewan.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil sa pagkabagot sakto naman ang paghulog ng dahon.

"Kendrick at the Eden hill" Basa ko sa pagkasulat dito teka lang bat nandito ang pangalan ni kendrick? O baka naman kapangalan niya lang sana naman hndi siya.

Bigla naman akong naglaho at napunta sa harap nang eden hill na lugar na nabasa ko namangha ako kasi isa itong eskwelahan.

Woaahhhh ang laki naman hmmm asan na kaya yun?

Nilibot ko ang paningin ko nang may makita akong maraming lalaki sa ibabaw nang building nang school nato kung hndi ako nagkakamali mag-aaway sila sa rooftop nayun.

Excited akong pumunta dun pero napawi ang excitement nayun nang makilala ko ang lalaking halos patayin na nila.

Konti nalang bibigay na siyaaa.

Wag! Wag mo siyang tulungan niana isa yun sa mahalagang hndi dapat gawain nang anghel panahon niya na ngayon para mamatay kaya wag kang makialam sa buhay nang isang tao!

Wag kang lumabag sa utos nang mahal na panginoon at ni brother!

Pinikit ko ang mga mata ko at tumango tango pero pinagsisihan kong nagmulat pa ako nang mata dahil kitang-kita kong tumingin sakin si kendrick na humingi nang tulong.

Napalinga-linga pa ako sa paligid pero hndi walang tao bukod sakin teka? Nakikita niya ako?

"Please help me....i want to live" Sambit niya habang nakatingin sakin.

Wag! Wag kang magpadala niana wag kang lumabag sa utos!

"Sasabihin ko na sayo ang lahat total mamamatay karin naman HAHAHAH alam mo bang utos nang daddy to? Simula palang hndi ka niya na gusto! Simula palang ginamit ka na niya para umangat siya sa buhay niya dont you know that my puppet stupid step brother huh!? Sampid kalang! Isa kalang sa gamit na kapag napaglumaan at hndi na magagamit pa ay itatapon nalang at sisirain kaya ngayon kailangan mo nang magpaalam sa mundo! Ayoko rin naman magkaroon nang Kapatid sa labas na katulad mo!" Sigaw sakanya nang lalaking humahawak sa kwelyo niya konting hakbang nalang malalaglag na siya.

"Pleaseee hellppp mee...." Pero hanggang ngayon sakin parin ang tingin niyaa noo! Impossibleng nakikita niya ako Wag kang mag padala nian---

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang ihulog nang lalaki si kendrick nawala ako sa isip ko bigla nalamang kusang kumilos ang katawan at pakpak ko para puntahan siya.

The next thing i know nasa kamay ko na siya hawak-hawak siya habang wala itong malay.

Dinala ko siya sa labas nang hostpital at doon siya nilapag saka ako lumipad paalis nang lugar nayon.

Nang makarating ako sa lugar kung saan ako nalalagi napa luhod ako at napaiyakk sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko.

"Kainis ka! Kainis ka niana pano mo nagawa yun! Hndi mo dapat ginawa yun lumabag ka sa utos! Sinira mo ang tungkulin mo bilang anghel" Inis na sabi ko sa sarili ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

"Hndi ka nag iisip wala kang utak! Pano na ako ngayon? Hndi ako pwedeng magsinungaling kay brother dahil alam kong malalaman at malalaman din niya ang kagagawan kong to" Sabi ko pa sa kawalan.

Napahawak ako sa ulo ko at halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang hndi ko makapkap ang hairpin na nasa ulo ko.

Teka asan nayun? Bat nawala? Nandito lang yun sa buhok ko kanina ei bawal mawala yun sakin.

Saan ko ba kasi pwedeng nalaglag yun hayyyy!

Naglaho ako na parang abo at dismayadong pumunta sa simbahan kung asan si brother joseph

Pero nagulat ako nang hndi ako makapasok sa pinto sinasabi ko na nga ba malalaman at malalaman niya ang ginawa ko.

"Brotherr! Brotherrr papasukin mo ako please hndi ko sinasadya ang nangyari nagkataon lang yun hndi na mauulit brother please kausapin moko wala namang kapalit yun diba? Diba?" Sigaw ko mula sa labas nang pinto napaatras naman ako nang makitang kusa itong bumukas at nakita ko ang likuran ni brother na nakaluhod sa harap ng altar.

"B-brother....." Sambit ko pero hndi siya lumingon sakin.

"H-hndi ko sinasadya p-pasensya na brother" Pag hingi ko nang tawad sakanya nakita kong dahan dahan siyang tumayo

Ilang sigundo lang humarap siya sakin halata sa mukha nito ang pagka digusto niya sa ginawa ko.

"Bakit? Bakit mo ginawa yun niana? Alam mo namang bawal yun diba mahigpit na pinagbabawal sating mga anghel ang makialam sa buhay nang tao..pero bakit mo ginawa yun?" Sabi niya halata sa mukha nito na hndi niya alam kung ano ang gagawin niya sakin "Sinabihan na kita diba? Palagi kitang pinaalalahanan na bawal kang makialam ang tanging tungkulin lamang nating mga anghel ay ang magdala sakanila nang payapa hndi tayo tagapag ligtas niana" Sabi pa niya sakin napaupo siya at malungkot niya akong tinignan.

"Sorry brother hndi ko sinasadya hndi na muuli----" Hndi natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Wala nang susunod niana dahil sa ginawa mo may parusa kang matatanggap dahil sa paglabag mo sa pinagbabawal na utos para sa ating mga anghel" Sabi niya sakin habang napailing-iling.

"A-anong parusa ang matatanggap ko brother?" Kinakabahang tanong ko sakanya.

"Nagdasal ako nang nagdasal para sayo ilang ulit akong humingi nang tawad sakanya dahil sa paglabag mo sa utos pero hndi niya ako pinakinggan ngunit may ipinadala siyang utos na dapat kong ipagawa sayo at yun ang parusa mo wala akong magawa kundi ang sundin ito" Sabi pa niya sakin.

"A-ano yun?" Tanong ko sakanya nanginginig ako sa kaba baka ipatapon ako sa lupa ayokong mangyari yun oo maganda ang lupa pero masaya ako dito.

"Kailangan mong bumaba sa lupa bilang isang tao at hanapin ang lalaking niligtas mo  para paamuhin siya mission mong pabaguhin ang batong tulad niya kailangan niyang mahumaling sayo in short tinatawag nang mga taong to na Love O Pag ibig wag kang mag-alala makikita mopa rin naman ako kaya ngalang makikita kana ng mga tao kaya mas mainam na umayos ka lalo na sa pakikitungo mo sakanila" Paliwang niya sakin kumunot naman ang noo ko.

Teka? Ibig sabihin magiging tulad na ako nang ibang tao! Pero ang hirap naman ata nang parusa ko hndi ko alam kung pano paamuhin ang isang yun saka hndi pa niya kasi ako kilala.

Pero ok nayun atleast ngayon makikita niya na ako at mapapansin hihi.

"Hayyy may magagawa paba ako?" Sabi ko at bigla nalamang niyang pinitik ang mga kamay niya na halos manlamig ang katawan ko parang may kung anong nagbago sa katawan ko.

"Cge na sho!sho! Alis na umpisahan mo na ang parusa mo paalala lang 100 days lang ang ibibigay sayo sa loob nang 100 days nayan kailang mong matapos ang parusa mo" Sabi pa niya sakin at nag wave habang ako lumilipad at dinadala nang hangin nayun palabas nang simbahan saka ito sumara sa harap ko.

"Oh? Pano na ngayon? Ano na ang gagawin ko? Hayyy bahala na si batman" Sabi ko nalang sa sarili at tumalikod na para umalis sa  harap nang simbahan nayun makakaya koto FIGHTING!

Sabi  ko pa sa sarili ko at tuluyan nang umalis.












©Queen









His Fallen Angel (COMPLETE)Where stories live. Discover now