Chapter 4 Andrew

627 16 0
                                    

Niana POV,

Nakatingin lang ako sakanya habang nakatalikod siya sakin mukhang mahihirapan ako sakanya matigas nga ang puso niya.

Bakit kaya hmm?

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon nakita kong pumasok ang anim na lalaki ok sila yung pinagnasaan ko nang anghel pa ako na palinot-libot dito sa lupa ang gugwapo parin nila hihi.

Parang humugis puso ang mga mata ko nang makita ko sila.

Gulat naman silang napatingin sakin pero ngumiti lang ako nang malapad sakanila at kumaway.

"Wooaahh iba ka talaga ken pati fan mo nag abalang pumunta rito sa hostpital" Biglang sabi nang lalaking pinakamaliit sakanila.

"Tsk! Hndi ko kilala yan palayasin niyo yan" Rinig kong sabi ni kendrick pero hndi ako napatinag

"Sasama talaga ako sayo " Ulit ko sa sinabi ko kanina lang sakanya.

"WHAT!?" Sabay nilang tanong sakin habang nanlalaki ang mga mata pwera nalang kay kendrick na nakahiga parin sa kama niya.

"Baliw yan kanina pa niya sinasabi yan hanapin niyo ang mga magulan niyan nang maiuwi natin yan naligaw ata" Sabi pa ni kendrick at tumayo para kunin ang isang bagay sa pagkakaalam ko cellphone ang tawag nila dun

"Hello someone missing here meron bang balita na may nawawalang dalaga kung meron man nandito siya ngayon pakisabi sa magulang niya" Rinig kong sabi niya pero agad din kumunot ang noo nito

"Anong wala? Impossible baka hndi pa alam nang magulang nito na nawawala siya paki inform ako kung meron salamat" Sabi niya saka binaba ang cellphone na hawak niya at nilapag yun sa lamesa.

"Wala akong magulang" Sabi ko

"Teka lang miss gusto mong sumama sa kaibigan namin dahil wala kang pamilya? Teka nga lang totoo ba yan? O baka nag tetake advantage kalang para makasama mo ang kaibigan namin?" Tanong sakin nang lalaking kumakain nang lollipop.

"Dont be rude lance baka wala lang siya mapuntahan" Sabi ng lalaking parang joker ang itsura.

"Sir pwede na daw kayong makalabas nang ostpital" Napatingin kami sa doctor na nagsalita nagpasalamat naman sila dito saka ito umalis.

"Mabuti nalang wala kang gamit dito masyado umalis na tayo sa bahay mo nalang ka magpahinga" Sabi sakanya nang lalaking malalim ang boses.

"Thanks renz at ikaw weirdo wag kang sasama sakin naiintindihan mo? Baka makasuhan pa ako nang kidnaping dahil sayo tsk!" Sabi niya magsasalita pa sana ako nang umalis na ito.

"See you again miss" Kaway sakin nang lalaking maliit sakanila.

Napaupo nalang ako sa sofa nang hostpital hndi ko namalayan na nakatulog pala ako

Hndi ko alam kung ilang oras o minuto ako nakatulog nang magising ako dahil sa boses na gumigising sakin.

"Maam? Maam? Gumising ho kayo wala napo ang pasyente dito maam kailangan niyo na pong umalis bawal na po kayo dito" Napaupo ako nang ayos at humingi nang pasensya sakanya.

"Sorry po sige po aalis na po ako" Sabi ko sakanya at lumabas na ako nang hostpital.

Hndi ko alam kung saan ako tutungo kainis hndi ko pa naman alam kung saan ang bahay nang matigas na puso na yun!

"Walang magagawa ang pag ingos mo diyan kung hndi ka maghahanap tsk tsk!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni brother.

"Wag ka ngang mangugulat brother!" Inis na sabi ko sakanya.

"Pasensya na gusto kitang istorbohin ei ang lalim nang iniisip mo" Sabi pa niya sakin

Bigla akong nakaramdam nang pagkalam ng sikmura ko tumunog pa iyon at narinig ata ni brother kaya tumawa ito.

"Oh eto pera yan lang ang maitutulong ko sayo kaya dapat marunong kang magtipid lalo na ngayon na nakakaramdam kana nang gutom at pagod tulad nang nararamdaman ng normal na tao pero mas mabuti kung gawin muna ang punishment mo" Sabi pa niya sakin.

"Pero paano brother ei ayaw niya nga akong sumama sakanya" Sabi ko pa sakanya na nakayuko.

"Alam mo niana gamitin mo ang utak mo edi maghanap ka nang paraan katulad nalang nang pagpasok mo nang trabaho na mapalapit ka sakanya mag isip ka niana byeee" Sabi pa niya at kumaway-kaway pa sakin bago siya mag laho.

Tinignan ko ang pera ko saka ako pumunta sa malapit na kainan at doon kumain nang kumain pero syempre nag tira naman ako no kailangan kong magtipid tulad nang sabi ni brother mahirap nang walang makain.

Nang mabusog na ako tumayo ako para maglakad-lakad saan ako matutulog neto ngayon?

Hndi ko na mabilang kung ilang oras na ako naglalakad pero nanghahalay na ang mga paa ko sa hndi sinasadyang naka apak ako nang bato dahilan nang pagkasugat sa paa ko pero agad din naman itong nawala.

Wala akong sakit na naramdaman patuloy parin ako sa paglakad nang may kalalakihan na papalapit sakin lalagpasan ko sana sila kasi hndi ko naman sila kilala pero ako ata ang pinunta nila.

"Hi miss ang ganda mo naman sumama ka samin diyan lang oh" Sabi ng lalaking mukhang tiktik na aswang habang nakaturo sa isang hotel halatang mayaman dahil sa suot nito.

"Hndi pa po ako inaantok ei sorry po" Sabi ko at akmang lalagpasan ko sila nang hawakan ako nang lalaking kumausap sakin kanina.

"Hndi naman tayo matutulog babayaran naman kita kahit magkano sumama kalang sakin" Sabi niya habang mahigpit na nakahawak sakin.

"Teka lang po manong hndi pa po talaga ako inaantok yung iba nalang po baka yun po inaantok na sila hehe" Inosenteng wika ko pero bigla niya lang ako malakas na hinila papunta sakanya pero nabitawan niya agad ako nang may lalaking sumapak sakanya napatabon naman ako nang mata ayoko kasing makakita nang ganitong senaryo.

"Jusko panginoon patawarin niyo po sana sila" Pagdadasal ko habang nakapikit ako nanginginig ako sa hndi malamang dahil kaya muntik na akong ma out of balance nang may humawak sa mga kamay ko pero nasalo niya naman ako nagulat pa ako nang makilala siya.

"Ikaw....." Gulat na sabi ko hndi niya ako pinansin at hinila papasok sa isang kotse.

Hinarap niya ako na may pagtataka sa mga mata nito.

"You're the girl at the hostpital right?" Tanong niya sakin siya ang lalaking may pinakamataas na ilong sakanila hndi ko siya kilala si kendrick lang ang kilala ko sakanila.

"Oo ako yun hihi ako nga pala si niana ikaw?" Tanong ko na nahihiya.

"Andrew. Andrew Park  wala kaba talagang pamilya? Its too dangerous for a girl like you na palaboy-laboy sa daan lalo na sa ganitong oras atsaka tanga ka ba nang hilahin ka nang mga lalaking yun kanina? Sa dami nang pwedeng pumasok sa isip ko matutulog talaga tsk! Ibang klase ka" Sabi niya na pailing-iling pa.

"Ei? Hndi ba yun ang ibig sabihin nila? Tinuro niya kasi ang hotel ei dba diyan nag iistay ang mga tao kung walang matutulugan ei hndi naman kasi ako inaantok ei " Naka puot na sabi ko sakanya.

"U-umayos ka nga hndi bagay sayo....sa bahay kana muna matutulog" Sabi niya hndi na ako umimik pa at nagsimula nang umandar ang kotse niya.




©Queen

His Fallen Angel (COMPLETE)Where stories live. Discover now