CHAPTER 2

1.3K 32 18
                                        

Etienne Evone POV

"Ako ba ang hinahanap mo??" Tumingala ako para makita kung sino 'yon at nanlaki ang mata ko ng makita si Claude.

Shit. I was caught.

"I-ikaw? Ikaw hahanapin ko?" Bahagya akong tumawa saka muling nag salita."Asa ka. Babalik na ako sa room. Anong oras na." Saad ko at humalukipkip saka siya tinalikuran at nag lakad papalabas ng library.

***

Dismissal na namin ngayon. Iniayos ko ang mga gamit ko palabas na ako ng room nang may humawak sa braso ko.

"Sabay na ako ha." Rinig kong usal ni Derenne na kasabay sila Jonas at Alarie na papalabas rin ng room.

"Ay, uuwi na kayo mga inday??" Ani Jonas. "Ang aga pa naman, tara sama kayo." Pag aaya naman ni Alarie at sumabay sa lakad namin.

"Ako, ayos lang sa akin. Ewan ko lang kay Etienne." Sambit ni Derenne at bumaling pa sa akin.

"Uuwi na ako." Walang alinlangan na sambit ko at kumalas sa pagkakahawak ni Derenne sa braso ko. Ngunit agad niya rin hinawakan ang braso ko.

"Tara na. Sandali lang naman eh." Pakiusap ni Derenne. Hindi pa ako nakakasagot ng bigla niya akong hatakin papalabas at tuluyan akong napasama kila Jonas at Alarie.

Ayokong ma attached sa mga tao.

Ayokong ma attached sa mga tao.

Pa ulit ulit na nag laro sa isipan ko ang mga katagang 'yon.

Hindi ko alam. Pero, para bang nahihirapan na ako ngayon. Sinusubukan kong lumayo sa kanila, sila naman itong lumalapit. Hindi tulad sa mga nakakasalamuha ko noon. Maging cold sa kanila at sabihan ko lang sila ng masakit na salita lumalayo sila. Haaay!!

Agad naman akong natauhan ng mapansin na nasa labas kami ng University.

"Saan pala tayo??" Tanong ni Derenne at bumaling kila Jonas.

"Arcaaade!!" Excited na sambit naman ni Alarie.

Mamaya maya pa ay napa kunot ang noo ko ng mayroong humintong van sa harap namin. Ang akala ko may kung anong masamang mangyayari sa amin. Gumaan ang loob ko ng buksan ni Alarie ang pinto at pumasok sa loob pati na rin si Jonas.

Napa buntong hininga nalang ako ng hatakin ako ni Derenne papasok sa loob ng van.

Napa upo ako sa likuran at may kinalikot sa tote bag ko. Sinigurado ko munang walang nakatingin sa akin. Busy silang tatlo sa pakikipagdaldalan.

Kinuha ko ang phone na ginagamit ko sa pang-track kay Claude sa bag ko. Hindi 'yon ordinaryo at konektado rin siya sa kotse ko na hindi rin ordinaryo. I pressed the voice button at sinabi ang 'follow me'. Mabuti nalang hindi narinig ng iba. Dahil may tugtog rin sa loob ng kotse.

Muli kong tiningnan ang screen at nakitang nag start gumalaw ang kinaroroonan ng kotse ko saka sinundan ang van kung saan ako nakasakay ngayon.

Nang makarating kami dito sa labas ng building ng arcade ay nag pasalamat naman sila sa driver nila Alarie na naghatid sa amin dito.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon