CHAPTER 20

551 11 0
                                        

Etienne Evone POV

Flashback (right after Ignado died) ...

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa building nila Chief. Nasa harap namin ngayon si Chief at Karylle. "'Acquaintance Party must be stop.' Iyan ang iniwang mensahe ni Ignado sa akin..." humugot ako ng malalim na paghinga saka nag patuloy sa pag sasalita. "I'm going to attend that Acquaintance Party."

Napatigil sa pag inom ng kape si Chief. "You should think about yourself, Etienne. Kami na ang bahala doon sa Acquaintance Party. We're going to do our best para matigil 'yon."

"Ate, masyadong delikado kapag umattend ka pa sa Party. Isipin mo naman kaming nag aalala sayo dito." Singit ni Karylle. Sumama si Karylle dito dahil gusto niya daw masiguro na ayos lang ako.

"Pero, kung sa tingin mo sa paraang ito ay maaayos ang lahat. Sige, ikaw bahala. Pero, hindi ako papayag na ikaw lang papasok sa loob isama mo si Derenne pati na rin siya..." iniabot sa akin ni Chief ang isang litrato saka nag patuloy sa pag sasalita...

"Si Agent La Torre. I bet you guys know him already." Dagdag pa ni Chief.

"Agent siya?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Derenne. "I assigned him in a different mission. But I didn't expect na mapupunta siya sa University kung nasaan kayo na assign." Paliwanag ni Chief.

Napalingon naman kami kay Derenne nang mapa pitik ito sa hangin. "Kaya pala! Kaya pala palagi siyang wala sa room at bihira ko rin siya makitang mag training dahil nasa office mo re-report pa-tungkol sa mission niya. Woah! I still can't believe it."

"Mmm..." pag sang ayon pa ni Chief habang umiinom sa tasa ng kape na hawak niya.

"Chief bakit hindi mo naman sinabi sa amin na may isa pa palang Agent sa loob? Para man lang aware kami." Saad ko pa.

"As I said, mag kaiba kayo ng mission sa loob ng University. Siya pinapamonitor ko sa kanya kung may iba pa bang nag papanggap na estudyante at undercover agent sa loob ng University. Kayo naman, ang misyon niyo ay hanapin ang murder or killer na pumatay kay Diane at Ethan..."

"Edi alam niyang isa kaming undercover Agent??" Singit ni Derenne.

Tumango naman si Chief saka nag salita. "Hindi niya alam nung pumasok kayo sa University. Recently niya lang nalaman dahil nahalata niya kayo. Inireport niya sa akin 'yon via phone call dahil hindi siya makapunta sa Office nung time na 'yon dahil may training daw siya.." paliwanag pa ni Chief.

"Kailan??" Takang tanong ko.

"Nung isang araw bago mamatay si Ignado." Sambit niya dahilan para mapasandal ako sa kinauupuan ko saka napatingala sa kisame.

"Why what's wrong Ate?" Tanong ni Karylle.

"Alam ni Constantino Julio na isa akong Agent."

"Huh?!" Ani Karylle.

"Seryoso ka, Etienne?? Unti unti na nga tayong nabubuking." Singit ni Derenne.

"Pierre also said na mukhang may naka rinig sa kanya nung time na 'yon. Pinag sabihan ko siya nang pumunta sa Office. Ang sabi niya naman napa ki usapan niya naman daw si Constantino. Hindi ko alam kung paano niya nadaan sa usapan ang lalaking 'yon. Basta sigurado daw siyang hindi mag sasalita ang lalaking 'yon." Paliwanag ni Chief.

How can we be so sure??

"I have an idea..." sabay sabay kaming naptingin kay Karylle nang mag salita ito. "Can we go inside the Office?? Masyadong Confidential itong sasabihin ko..." saka lumingon lingon pa sa paligid. Bahagya akong natawa sa inakto ni Karylle. Oo nga naman bakit dito pa kami sa public place nag uusap mabuti nalang at kakaunti lang ang tao dito sa loob ng Coffee Shop.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon