Etienne Evone POV
It was already 7 pm in the evening. Narito kami sa office ni Chief Aureliano ngayon.
"Jusko Etienne. What happened to your neck?" Nag aalalang tanong ni Chief. Halos ilang oras na ang lumipas pero, bakas pa rin ang pamumula ng leeg ko.
"Someone died again. I saw a corpse earlier." Sambit ko at naupo sa sofa ng office ni Chief.
"And Etienne thinks that we must need to do something before it gets too late." Sabi naman ni Derenne at naupo sa tabi ko.
*knock*
*knock*
Napalingon kami sa pinto ng may kumatok at mag bukas nito.
"Sir. Confirmed. Ang taong may ari nitong sasakyan ay tauhan ni Constantino Julio Inocencio." Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Sige. Salamat Ms. Dela Costa." Ani ni Chief. Aakmang aalis na siya ng makita niya ako at agad na niyakap.
"Ate! Kumusta ka na?!" Masayang bati ni Karylle at kumawala sa pag kakayakap sa akin.
"Teka, ikaw si Karylle Thea Dela Costa?? Woaaah!" Singit naman ni Derenne.
"Opo, Ms. Guadarrama." Sagot ni Karylle.
"Ikaw pala yung kapatid ni Diane Dela Costa. Nice meeting you." Saad pa ni Derenne at niyakap siya.
"Ehem. Mamaya na muna tayo mag chikahan Karylle ha. May pag uusapan na muna kami ni Chief." Singit ko sa pangungumustahan nila at nginitian si Karylle. Tumango naman siya at nag paalam saka lumabas ng office.
***
"Kung makikita mo sa larawan may brown envelope na hawak ang mga pulis. May hinala ako na may kinalaman ito sa mga pagkamatay ng mga biktima, Chief." Saad ko habang nakatingin sa mga litrato na kinuha ko kay Claude.
Flashback.
"Okay na po." Napalingon kami sa isang estudyante na inutusan ni Claude na itawag sa pulis ang nakitang bangkay na galing sa lower level.
"Salamat." Ani Claude saka siya tinapik sa balikat. Pinagmasdan ko ang lalaki. May dala siyang camera at napaka inosente kung titingnan.
"Claude. Anong pangalan niya?" Deretsyahan kong tanong. "Bakit?" Nag tatakang tanong niya. Mukhang nag dadalawang isip siya kung sasabihin ba niya o hindi.
"Just tell me okay. I promise I won't do any harm on him. Geez." Ani ko.
"Ignado Ruiz."
***
Ignado Ruiz. Kung titingnan mo ang itsura nito ay mukhang inosente at mukhang mas bata pa sa akin si Ignado. Pero, kung tutuusin mas matanda pa ito sa akin ng 2 years at kung kikilalanin mo naman ay maraming alam patungkol sa University. Mag mula ng sabihin ni Claude ang pangalan niya ay agad kong pina check ang background niya kay Derenne.
Marami siyang naisulat na article patungkol sa University pero, lahat ng ito ay ibinasura lang ng school. Mas lalo akong nag hinala sa lalaking ito ng malaman ko na may documentation siya ng bawat krimen na nangyayari dito sa University.
"What the hell??! Why do you keep on following me?? May kailangan ka ba Miss??" Halatang may pag ka gulat na sabi niya. Kanina ko pa sinusundan kaso mukhang tatakbo kaya, hinarang ko siya dito sa may hagdan.

BINABASA MO ANG
Confidential M
Teen FictionMeet Etienne Evone Monterroso, isang top secret agent sa loob at labas ng bansa. Matalino at masayahin. But, when her childhood bestfriend and her lover died while protecting her in her mission. Her world turned upside down. Ayaw niyang mapalapit o...