CHAPTER 14

612 17 1
                                        

Claude Amoux POV

Hindi ako maka paniwala sa nakikita ko ngayon. "Ang sabi ng iba si Etienne 'yan. Ang babae diyan sa larawan." Medyo hindi malinaw ang video dahil medyo madilim ang lugar.

Flashback...

Nag lalakad ako ngayon papunta sa Cafeteria habang naka pamulsa. Sa hindi kalayuan natanaw ko si Etienne na mag isang nakatayo sa gilid. Mukhang may hinihintay. Hindi ko alam kung bakit siya umiwas ng tingin.

"Pre. Si Etienne oh. Pagkakataon mo na." Agad akong napatingin sa grupong lalaki sa harapan ko.

Sila Arthur.

Nang makalapit si Arthur kay Etienne ay agad nito itong hinatak. Kaya pa simple ko silang sinundan kung saan niya ito dinala.

Hindi ko sila gaanong maaninag dahil medyo madilim ang lugar. Pero maririnig mo ang boses nila dahil tahimik dito.

"Akala mo palalagpasin ko ang ginawa mo?! Ha?!" Singhal nito kay Etienne.

"Kung wala ka ng importante pang sasabihin pwede na ba akong umalis??" Ani Etienne.

Napakunot ang noo ko nang mapansin kong ilang dipa lang ang layo nila sa isa't isa. Aakamang lalapit ako nang may marinig akong click ng camera. Nilingon ko kung saan ito nang galing at nakita ang dalawang lalaki na patuloy sa pag kuha ng litrato.

"Ayos na po ba ito??" Tanong nito sa kasama. Bahagyang tumango ang kasama nito. Naka talikod silang dalawa sa gawi ko.

"Oo. Pwede na iyan. Bukas na bukas agad ninyong ibigay 'yan sa Dean."

Pamilyar ang boses na 'yon. Agad kong naikuyom ang kamao ko ng mapagtanto kung sino 'yon.

End of Flashback...

Dere-deretsyo akong naglakad patungo sa Dean's Office nang makasalubong ko si Maia.

"Hey! Saan ka pupunta??" Tanong niya ngunit, hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad. Agad kong kinapa ang cellphone ko ng maka tanggap ako ng text message.

From: Maia

"Hintayin kita sa Lobby. Sabay na tayo mag lunch."

Hindi na ako nag reply at pumasok sa Dean's Office. Sumalubong ang pag mu-mukha ni Arthur nang maka pasok ako. Nag salubong ang mga kilay ko nang makita ko si Sir Julio dito.

"Na saan ang Dean??" Takang tanong ko kay Sir Julio.

"Papunta na." Sagot ni Kaiden.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin. Dumapo ang tingin ko kay Etienne na ngayon ay nakapikit at naka upo sa sofa habang naka saksak ang earphones sa tainga niya. Aakamng tatabi ako rito nang naupo dito si Kaiden at tinanggal ang isang earphone nito na nakasaksak sa tainga.

Ah, so, close na kayo niyang lalaki na yan??

"Ano pinakikinggan mo?" Tanong ni Kaiden at aakmang isasaksak niya ang earphones sa tainga niya nang hablutin ito ni Etienne saka tumayo at tumabi sa akin. Agad din namang sumunod si Kaiden at tumabi kay Etienne. Bali ngayon, pinag gigitnaan namin siya.

"Ito naman tinatanong lang kung ano pinakikinggan mo eh. Nagugutom ka ba? Tara, kain muna tayo habang wala pa si Dean?" Pag aaya ni Kaiden. At patuloy niyang kinakalabit si Etienne.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon