CHAPTER 23

532 9 0
                                        

Derenne Levy POV

"Oh, gamitin mo bukas." ipinahiram ko ang isang dress na meron ako sa closet. Narito ako ngayon sa loob ng condo ni Etienne.

"Salamat." saad niya habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Inilapag ko sa sofa ang dress.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko saka siya nilapitan. Agad naman siyang natauhan at napalingon sa akin.

"Ah... Oo.."

"Are you sure??" paninigurado ko pa.

Narinig ko siyang napa buntong hininga saka napa upo sa sofa. Mamaya maya pa ay nag salita ito. "Samahan mo ko Derenne sa University. I need to see something."

Dali-dali niyang kinuha ang gamit niya pati na ang susi ng kotse niya saka naunang lumabas ng condo niya. Napa buntong hininga nalang ako saka siya sinundan.

***

Nandito na kami ngayon sa Parking lot. Pag katapos niyang mag park ay agad rin kaming lumabas ng kotse.

Nauna siyang nag lakad at sumunod lang ako sa kanya.

May lakad ka girl??

"Teka, Etienne. Anong ginagawa nating dito??" Naguguluhang sabi ko nang makarating kami dito sa kakahuyang parte ng University. Hindi ako pinansin ni Etienne at nag patuloy lang siya sa pag lalakad.

Agad akong napatakip ng ilong nang may naamoy akong masakit sa ilong. Patuloy pa rin siya sa pag lalakad kaya, wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.

Patuloy kami sa pag lalakad at wala pang sampung minuto nang may natanaw kami.

"What the hell is that??" Takang tanong ko habang nakatingin sa isang Clinic. At mukhang sa chimney nito nang gagaling ang amoy.

Palihim na kinuhanan ito ni Etienne ng litrato saka nag patuloy sa pag lalakad. Wala akong nagawa at sinundan lang siya. 

"Ayusin niyo lahat 'yan. At mag handa kayo para bukas dahil mukhang mapaparami ang magiging pasyente natin bukas." Agad kaming nag tago ni Etienne sa gilid nang may marinig kaming nag salita.

Bahagya kaming sumilip dito saka nakita ang babaeng naka uniform. Yung babaeng pa rating nariyan kapag nakikita ko si Nikita.

Mamaya-maya pa ay umalis ito at nag tungo sa kakahuyan. Mukhang babalik sa University. Nang masiguro naming wala ng tao ay marahan kaming pumasok sa loob.

Isa itong laboratory facility.

Tuluy-tuloy lang si Etienne sa pag lalakad nang makarinig ako ng mabibilis na mga yapak papalapit sa kinaroroonan namin kaya, agad ko siyang hinatak at nag tago.

Matapos ay lumabas rin kami sa pinag tataguan namin at sinundan ang mga naka laboratory gown na tumatakbo.

"ASHDSKALA—" agad akong natigilan at napalingon sa window ng isang pinto nang makarinig ako ng sigaw. Ganon na rin si Etienne.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Nikita 'yon at nag wawala sa pwesto niya. Naka tali ang dalawang kamay nito sa hospital bed niya habang patuloy ang pag iyak niya.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon