LAST CHAPTER

657 13 0
                                        

Claude Amoux POV

"I think I left something. I need to go back, Maia." Akmang aalis na ako nang hawakan ni Maia ang kamay ko. "No. You will not go back." pigil nito sa akin.

"Mauna ka na doon. Ibigay mo kila Mom yung envelope na inabot ko sayo kagabi." saad ko pa saka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at tuluyan ng lumabas sa airport.

Etienne Evone POV

"Derenne!! Gumising ka na please!!" pilit kong ginigising ngayon si Derenne. Panandalian kong kinamusta kanina sila Maia kung ayos lang ba sila doon. Agad rin naman ako naka hinga ng maluwag nang malamang ayos lang sila doon.

"Ano ba kasing nangyari??" tanong ko kay Pierre.

"Nanghingi siya ng tubig sa waiter dahil nauuhaw na daw siya. Hindi naman namin napansin na may inilagay na drug dito. " Paliwanag ni Pierre.

*Blag!*

Agad kaming napalingon ni Pierre kung saan nang galing ang tunog na 'yon.

"Pierre ikaw na muna bahala kay Derenne." bulong ko kay Pierre. Nandito kami ngayon sa isang madilim na sulok.

Bakit ba kasi pati tubig dito nilagyan nila ng drug.

Mamaya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yapak. Pinakiramdaman ko ito saka marahang sinundan ito.

Tinanggal ko ang mga sapatos na suot ko ngayon para hindi mag cause ng ingay saka humanap ako ng tiyempo paano patutumbahin itong nag lalakad na 'to.

Mabuti nalang at kahit papaano medyo maliwanag ng kaunti dito sa loob ng venue. Makikita mo talaga na lahat ng tao sa venue ay nakahandusay sa sahig.

Habang nag lilibot ng paningin ay napansin kong may mga iilang tao sa kabilang dulo kung saan isa isa nilang binubuhat ang mga tao dito.  

"Bilisan niyo!" rinig kong sigaw nitong lalaking nag lalakad lakad sa loob ng venue habang may hawak-hawak itong baseball bat. Kinuha ko ang isang tali na naka kalat sa sahig saka ako dali-dali tumakbo papalapit sa lalaking ito at agad ipinalupot sa leeg ang tali.

"ARSHKDLAH!" agad siyang napahawak dito at pilit itong tinatanggal. Akmang sisikuhin ako nito nang makaiwas ako. Mamaya-maya pa ay naka ramdam ako ng isang malakas na binti ko dahilan para mabitawan ko ang pag kakahawak ko sa tali at mapaluhod saka mapangiwi sa sakit.

Goddamn it!!

"Ayos lang po ba kayo, Sir Kaiden??" singit nito babae. Hindi ako nag kakamali ito yung MCEE kanina sa stage.

"Walang hiya ka! *Cough!* *Cough!*" inis na sabi ni Kaiden saka ako nilingon at bahagyang ngumisi nang makita ako.

"Oh, well... Looks who's here. Etienne Evone Monterosso or should I say Agent Etienne Evone Monterosso." sabi niya saka napa luhod rin at hinawakan pa ang chin ko ito itinaas dahilan para mapatingin ako sa pag mumukha nito.

"You little freak! Na saan si Madeline?!" singhal ko sa kanya. Natawa lang ito sa inasta ko saka hinawakan ang leeg ko.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon