EPILOGUE

1K 29 9
                                        

Derenne Levy POV

3 months passed mag mula nang mahuli si Madeline. Lahat ng naging biktima nito ay nakita sa ilalim ng pond. Si Nialla Kirsta naman ay patuloy sa pag re-recover.

Nakasuhan ng pang habang buhay na pag kabilannggo si Madeline Laura Inocencio.

"Bakit nandito ka na naman, Pierre??" nakukulitan na tanong ko.

"Eh, sa wala akong matambayan. Si Maia nasa Canada kasama si Claude. Si Etienne naman—"

"Oo na. Oo na." pag puputol ko sa sinasabi niya saka sinuri ang bangkay na nasa harapan ko.

Narito ako sa isang crime scene malapit sa isang kilalang mall.

"Anak!!! P-please tulungan ho ninyo akong makamit ang hustisya nararapat para sa anak ko." pag mamakaawa pa ng Tatay nitong biktima.

"A-ahh... O-opo manong.." saad ko saka pina layo siya crime scene.

Wala akong magawa sa loob ng condo kaya naisipan kong sumama nalang sa mga crime scene na pinupuntahan ni Superintendent Andrew Delgado.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa  nang makatanggap ako ng text message galing kay Chief.

Maia Ella POV

*Knock*

*Knock*

"Pasok."

Nandito ako ngayon sa loob ng Office ko. Ilang buwan na ang lumipas nang huli kong makita si Ate Etienne.

"Maam. Ito na po yung papers na nirequest niyo." rinig kong sabi ng assistant ko saka niya inilapag ang mga papers na hawak niya at lumabas rin agad ng office.

Napatinginako sa wristwatch ko at nakitang 1:30 pm na.

***

"Kailan flight mo pabalik sa Pilipinas??" tanong ko kay Claude.

"Bukas ng umaga. Makaka attend pa naman ako sa family dinner mamaya." sagot niya saka nag patuloy kumain.

Claude Amoux POV

Naka upo ako ngayon sa kama habang nakatingin sa hawak ko na envelope na ipinapa abot ni Ethan kay Etienne.

Hindi ko na na-contact pa si Etienne. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos ma confine sa hospital si Etienne dahil kinabukasan ay bumalik na ako dito sa Canada.

***

Kumakain na kami ngayon ng Dinner.

"Mabuti nalang at ibinigay sayo ni Constantino ang papeles na palihim na ginalaw nila Madeline habang wala tayo sa Pilipinas. Mas lalong napadali ang pag resolba ng naging problema sa business natin doon." sabi ni Dad.

Medjo umayos na rin ang kalagayan ni Dad. Kaso kinakailangan pa rin i-monitor araw araw si Dad.

"Hindi rin naman natin masisisi ang anak natin dahil naka focus lamang siya sa kanyang pag aaral." saad naman ni Mom.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon