Etienne Evone POV
Mag isa akong nandito sa loob ng restroom at inis na napa hilamos sa may sink.
Ano ba ang nangyayari sa akin?! Kung tutuusin kayang kaya ko na siyang tapusin sa kahapon. Pero, bakit?! Bakit parang naduwag ako?!
'Akala ko ba, gusto mo ng matapos itong mission na 'to, Etienne?? Pero, bakit ganyan ka kung kumilos??'
Naalala ko ang sinabi ni Chief bago ako pumasok sa mission na ito.
"Tandaan mo, Etienne. Kailangan mong mag ingat!"
Napatingin ako sa salamin kasabay ng pag pasok ng mga students sa loob ng restroom. Agad akong nag punas at inayos ang sarili saka nag lakad papalabas ng restroom nang marinig ko ang pinag uusapan nila.
"Ano daw ang sabi?"
"Suicide na naman." Nag salubong ang kilay ko ng marinig ang sinabi niya.
Suicide??
I don't think so.
"Nakakatakot. Parang nauulit na naman ang nangyayari."
Anong ibig niyang sabihin??
"Oo nga eh. Basta, kailangan na nating mag ingat ngayon."
Dali-dali akong nag lakad papalayo ng marinig kong papalabas na rin sila ng restroom. Balisa akong tumungo papuntang classroom ng mabangga ko si Jonas dahilan para matapunan ng pintura ang damit ko. Mabuti nalang at hindi ako naka uniform ngayon. Bibili na naman ako ng panibago pag nag ka taon.
"Hala, sorry." Ani Jonas at kukunin pa sana ang panyo niya para punasan ang damit ko. Ngunit, agad akong sumenyas na ayos lang.
Pumasok ako sa loob ng room at tumungo sa pwesto ko ng mahagip ng paningin ko si Derenne na walang emosyong nakatingin sa akin.
"Are you okay, Miss??" Gulat akong napalingon kay Maam Madeline na nasa likuran ko pala at mukhang nag o-observe sa mga ginagawa namin. Nakatingin siya sa kay Derenne na ngayon ay natauhan na ng marinig niya ang boses ni Maam.
"Y-yes, Maam." Tanging sambit ni Derenne at tumayo. Bumuntong hininga si Ma'am Madeline saka nag salita "Huwag niyo ng alalahanin ang nangyari kanina. Ginagawa na ng mga pulis ang trabaho nila." Nag pa palit palit ang tingin niya sa amin saka ngumiti.
"Derenne at Etienne! Tara dito!!" Napalingon ako kay Alarie na hawak ang paint brush at palingon-lingon sa napaka laking plywood kung saan siya nag pipintura. Napaka dumi na rin ng damit niya at napaka gulo ng buhok niya.
Yumuko kami kay Maam Madeline bilang sign ng respeto bago kami tumungo sa pwesto ni Alarie. Tumulong si Derenne sa ginagawa ni Alarie samantalang ako ay bumaba sa may parking lot para kunin ang pintura sa van nila Alarie.
Nang marating ko ang parking lot ay agad hinanap ng paningin ko ang van nila Alarie. Nang makita ay agad kong kinuha sa loob ng van ang pintura na pinapakuha ni Alarie.
Nag lakad ako paalis sa parking lot habang bitbit ang dalawang napaka bigat na pintura kasabay nang pag busina ng isang kotse sa gilid ko. Dahilan para mapalingon ako dito.
Lumabas ang isang babae sa kotse. Naka sunglasses, mahaba at medyo curly ang buhok nito at napaka pormal ng suot niya. Hindi ko siya pinansin at aakmang aalis na ako ng marinig kong mag salita siya.
"Are you a student here??" Napalingon muli ako sa gawi niya at nakitang naka tingin ito sa gawi ko. Nag palingon-lingon muna ako sa paligid para masiguradong ako nga kinakausap nito saka nag salita.

BINABASA MO ANG
Confidential M
JugendliteraturMeet Etienne Evone Monterroso, isang top secret agent sa loob at labas ng bansa. Matalino at masayahin. But, when her childhood bestfriend and her lover died while protecting her in her mission. Her world turned upside down. Ayaw niyang mapalapit o...