Derenne Levy POV
2:45 am. Paikot ikot ako sa kama at hindi ako makatulog.
"Hindi ako mapakali, ano ba ito??" Bulong ko sa sarili. Lumabas ako ng condominuim at nilakad ang convenience store malapit dito sa condominuim ko.
Tumambay muna ako dito at bumili ng makakain ko.
Patuloy lang akong kumakain habang pinagmamasdan ang alabas ng convenience store.
Ang sarap sa pakiramdam ang tahimik ng paligid. Walang problema at walang epal. Sarap na sarap ako sa kinakain kong ensaymada nang may marinig akong ingay na nanggagaling sa labas ng convenience store.
*Blag*
Nanlaki ang mga mata ko ng may isang babae ang kumatok sa salamin ng convenience store na nasa harap ko ngayon. "A-ate. Tulungan niyo po ako." Pag mamakaawa niya.
Nag salubong ang mga kilay ko nang mapansin ko na parang pamilyar ang mukha na 'yon. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka puting bestida habang madumi ang laylayan nito at napaka gulo rin ng kanyang buhok.
Patuloy lang akong kumain hanggang sa maubos ko ang kinakain kong tinapay matapos ay uminom ako sa bottled water ngunit, hindi ko 'yon na ubos at lumabas ng convenience store. Aakmang iaabot ko 'yon sa babae nang makarinig ako ng sigaw.
"NIKITA!!!"
Sigaw ng isang estudyante na naka uniform pa. Sandali akong natigilan nang maalala ko na kung saan ko siya nakita. Sa lobby habang pabalik kami ng classroom.
"Pasensya na po. Tara na, Nikita. Babalik na tayo sa bahay." Pag papaumanhin noong babaeng naka school uniform saka hinawakan ang babaeng naka puting bestida. Ngunit, agad namang nag tago ang babae sa likuran ko kasabay nang pag dating ng tatlong tao. Isang naka lab gown at dalawang ma bruskong lalaki.
"Nikita halika ka na!! Wag nang makulit!" Nanlaki ang mga mata ko ng lumakas ang boses ng babaeng ito at pilit na hinahatak si Nikita.
"A-ayaw k—"
*Slaps*
Lalong kumunot ang noo ko nang sampalin si Nikita ng babaeng ito. "Sobra naman po ata ang ginagawa niyo, Miss." Oo. Naiintindihan ko mukhang galing mental itong babaeng 'to pero, bakit ganon kung tratuhin nila? Wala naman siyang ginawa na makaka panakit sa ibang tao.
"Huwag ka na makielam, Miss. Problema na namin 'to." Maangas na sabi nitong babaeng 'to. "Kunin niyo na siya at ibalik." Utos niya pa sa tatlong kasama niya.
Wala akong nagawa at pinanood lang siyang hatakin ng mga 'yon. Pilit na nag pupumiglas si Nikita habang patuloy sa pag iyak. Hindi pa sila gaanong nakakalayo kaya naririnig ko pa rin ang mga boses nila.
"Ang ingay mo! Hindi ka ba titigil ha?!" Inis na sigaw ng babaeng naka uniform. Sumenyas naman siya sa naka lab gown na lalaki. Akmang may ituturok kay Nikita nang i-dial ko ang number ni Etienne. Sinagot naman niya ito bagkus ay hindi ko siya pinansin at nag salita.
"Hello. Is this the Police Station?? Please come here. ASAP. May mga la—"bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad na may nagtangkang kumuha ng cellphone ko. Yung isa nilang kasamahan. Mabuti nalang at naiwas ko agad.
"Ooppss... Muntik na." Pang aasar ko.
"What do you think you're doing?" Naka cross arms na sabi nitong babaeng 'to.
"Duh. Nag susumbong sa mga pulis hindi ba halata?? Kasi mukhang ayaw naman sumama sa inyo niyang si Nikita." Saad ko at itinuro si Nikita na para bang takot na takot sa kanila.

BINABASA MO ANG
Confidential M
Teen FictionMeet Etienne Evone Monterroso, isang top secret agent sa loob at labas ng bansa. Matalino at masayahin. But, when her childhood bestfriend and her lover died while protecting her in her mission. Her world turned upside down. Ayaw niyang mapalapit o...