CHAPTER 6

931 21 1
                                    

Etienne Evone POV

"Teh! Anong nangyari sayo?? Ang laki ng eyebags mo!" Salubong ni Jonas at natatawang   pinagmamasdan ang itsura ko. Paano ba naman ang sabog ko tingnan. Ang itim ng ilalim ng mata ko. Mag mula kaninang 1 am ay hindi na ako nakatulog dahil sa napanood ko sa camera sa kotse ni Claude.

"Etienne, ayos ka lang ba? Mag pahinga ka nalang muna mukhang wala kang tulog eh." Usal naman ni Alarie saka inayos ang buhok kong sabog. Hinayaan ko lang si Alarie na ayusin ang buhok antok na antok ako.

Kung bakit ngayon pa ako tinamaan ng antok anak ng peste!!

Nakaupo na ako ngayon sa pwesto ko at napangalumbaba sa desk ko saka ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung makakaya kong mabantayan ngayon si Claude. Mukhang si Derenne na munang bahala sa kanya.

I wanna sleep peacefully.


Napa hikab ako at nag stretch pa saka iminulat ang mga mata. Sakto namang nag lalakad papalapit si Claude na nakatingin pa sa akin. Kaya agad rin akong napatakip nang bibig ko.

"Mag clinic ka kaya muna? Sabihin mo masama ang pakiramdam mo. Char." Rinig kong sabi ni Alarie.

"Loko. Baka paniwalaan 'yan. Ang strikto kaya nung nurse natin baka kunin pa ang temperature niya." Usal naman ni Jonas. Napakamot lang ako sa batok ko. Saka sila tiningnan.

"Ang ingay niyo. Gusto ko matulog." Sambit ko saka isinubsob sa desk ang mukha ko at walang alinlangang natulog.


***


Nagising ako ng marinig na tumunog ang maliit ko na cellphone. Inilibot ko ang paningin ko at nakitang kakaunti lang ang mga tao sa loob ng room.

Nasaan sila??

Agad akong napatingin sa pwesto ni Claude at nakitang wala siya doon. Kinalikot ko sa bag yung cellphone ko saka tiningnan kung nasaan si Claude.

Nasa may kabilang building siya malapit sa may pond ng University. Ano ba ang ginagawa niya doon??


Antok na antok akong tumayo saka lumabas ng room. Nag lakad ako papunta sa kinaroroonan ni Claude. Naka labas na ako ng lobby nang makasalubong ko si Derenne na nag hahabol ng hininga. Agad niya akong hinila papunta sa likod ng isang building.

Lumingon lingon muna siya at siniguradong walang tao saka nag salita. "Yung kotse ni Claude..." nag salubong ang mga kilay ko sa sinabi ni Derenne.

"What is it??" Seryosong tanong ko.

Humugot muna siya ng malalim na hininga saka nag patuloy sa pag sasalita. "Kakagaling ko lang sa parking ngayon. Nakita kong basag ang mga headlights pati na rin ang front windscreen ng kotse ni Claude at nayupi pa ang front bonnet nito."

Hindi kaya alam niya? Alam nung taong 'yon na nag lagay ako ng camera sa harap ng kotse ni Claude??

"Excuse me!!" Sabay kaming napalingon ni Derenne sa taong nag salita.

"Pierre??" Takang usal ko ng makita pumagitna sa amin ni Derenne at nag patuloy na tumakbo papunta sa may pond.

"Kilala mo 'yon??" Napalingon naman ako kay Derenne na naka tingin pa rin sa gawi ni Pierre at bumaling lang sa akin nang hindi na niya ito makita.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon