CHAPTER 4

1K 30 1
                                        

Derenne Levy POV

Tanaw ko mula sa kalayuan sila Claude at Etienne. Napangiti lang ako sa nakita ko kanina. Oo. Binabantayan ko rin si Claude kahit na may hindi magandang nangyari sa amin ni Etienne.

Bumalik na ako ngayon sa condominium nang makitang makauwi si Claude saka pumasok sa room ko saka tumungo sa banyo at nag shower matapos ay nahilata sa kama. Napaisip ako sa sinabi ni Chief.

Kakayanin ko kaya??




Flashback.


Nandito ako ngayon sa ground floor at nasa harapan ko si Chief Aureliano. "Ia-assign kita sa mission na ito kasama ni Agent Monterosso. Alam kong isa ka sa mga humahanga sa kanya. Kaya kita in-assign dito dahil naniniwala akong matutulungan mo ako. Alam mo naman siguro ang nangyari sa kanya hindi ba??" Tanong niya.

"Yes, Chief." Sagot ko at tumango tango pa.


"Nag aalala ako na baka habang buhay niyang maidala ang sakit ng nakaraan niya at ayokong mangyari iyon. Baka dumating ang araw na hindi na siya makapapag enjoy sa kanyang buhay. Maraming tao dito ang nagmamahal sa kanya ngunit, patuloy niya parin inilalayo ang sarili niya." Saad ni Chief.

Tinanggap ko ang mission na 'to dahil sa tingin ko ikabubuti rin ito ni Etienne.



End of Flashback.



Mukhang alam ko na ngayon bakit pinalalayo ako ni Etienne. Mukhang nahihirapan na siyang ilayo ang sarili niya sa mga nakapaligid sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano.

***

Nagising ako ng marinig kong tumunog ang alarm clock ko.


6:00 am ngayon at 8:30 am ang umpisa ng klase ko ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko ng mag vibrate ito.

From: Jonas Beks,

Renne uumpisahan na natin mamaya after class yung task sa subject ni Sir Julio. Dito na tayo sa house gagawa.

Napa sapo ako sa noo ko ng maalala ko na may task pa palang pinagagawa sa amin. Isa pa 'yan si Constantino Julio Inosencio. Nakakapagtaka ang kinikilos niya. Aish!


***

Time check 7:30 am. Nandito ako ngayon sa may parking ng Condominium at sumakay sa motor ko saka ito pinaharurot paalis. Naka slacks ako ngayon dahil wala na akong skirt. Hindi naman ako mag momotor kung naka skirt ako.

Papunta na ako ngayon sa University at na stuck sa traffic. Nang makita kong mag warning sign ang traffic light ay umayos ako ng upo kasabay ng pagsakay ng isang lalaki sa likuran ko. Maputi, matangkad, bilugan ang mga mata at manipis ang mga labi.

"Sa High Bellevue State University lang po, Miss. Late na po kasi talaga ako." Rinig kong sabi niya.


Hindi dahil sa gwapo siya ay sinabay ko siya. Doon rin naman kasi ang punta ko. Ang uncomfortable rin kaya sa feeling na mag sasabay ka ng stranger. Hindi mo alam kung mabait ba o mamamatay tao.

Nang makita kong mag green ang traffic light ay agad kong pinaharurot ang motor papunta sa University.

Nang makapasok ako sa loob ng University ay agad akong dumeretsyo sa parking lot at tinanggal ang helmet saka bumaba sa motor.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon