CHAPTER 19

549 17 2
                                        

Derenne Levy POV

"Etienne!!" Sigaw ko nang matanaw ko sa hindi kalayuan si Etienne na upo. Habang si Claude ay naka sandal sa kabilang gilid at nakatingin lang sa gawi ni Etienne na walang tigil sa pag iyak.

"He's dead. Tumawag ka ng pulis at ambulansya.." rinig kong utos ni Claude. Sumang ayon naman ako sa utos ni Claude. Akmang ida-dial ko na nang mag salita si Etienne.

"Ako na, Derenne." Sambit niya saka pinahid ang namamasa niyang mga mata at tumayo mula sa kanyang pag kakaupo saka dumistansya sa amin.

Pansin ko namang sinundan lang siya ng tingin ni Claude. Malungkot ang mga mata niya habang nakatingin kay Etienne.

Maya-maya pa ay sumeryoso ang mga tingin ni Etienne at naikuyom ang kanyang kamay. "They'll pay for this. I won't let them get away this time." Nanggagalaiti niyang sabi.

Sumenyas ako kay Etienne na tumahimik dahil nandito si Claude, baka mag hinala na si Claude na isa kaming Undercover Agent dito sa loob ng University. Dahil sa mga kilos at pinag sasabi ni Etienne. Ngunit, hindi ako pinansin ni Etienne.

Akmang aalis siya nang hawakan siya sa kamay ni Claude. "Where are you going??"

"None of your business.." Napatakip ako sa bibig ko nang sabihin iyon ni Etienne. Omayghad. Pilit na bumibitaw si Etienne mula sa pag kakahawak ni Claude, ngunit, hindi niya ito pinakawalan bagkus ay hinawakan pa siya sa mag kabilang balikat at tiningnan sa mata saka nag salita.

"Umayos ka, Etienne!" Sigaw nito sa kanya. "Mapapahamak ka lang sa gagawin mo!"

"You don't know anything." Sumbat ni Etienne habang nakatingin pa rin sa kawalan.

Uhmm... excuse me? Nandito po ako sa harap niyo.

Maya maya pa ay naka rinig kami ng siren ng mga pulis. "Mukhang nandito na sila." Ani Etienne. Napa buntong hininga nalang si Claude saka siya binitawan.

***

"Chief??!" I mouthed nang mag salubong ang paningin namin. Bakit nandito siya?? I mean, may pulis naman ang district dito bakit sila Chief pa ang tinawag??

"Sisirin niyo yan. Nandyan ang ibang mga bangkay." Saad ni Etienne at lumingon sa pond. Sinabi naman ito ni Chief sa Detective na kasama niya at agad silang kumilos.

***

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse ni Etienne. Sila Chief na raw ang bahala doon. Samantalang si Claude ay nakauwi na. Ang sabi ni Chief, may hinala daw si Etienne na may koneksyon ang bawat police station dito sa killer. Kaya, sila Chief ang tinawagan niya.

"Etienne! Ano ba ang iniisip mo ha?! Baka mag hinala iyang si Claude sa mga kiniki-" hindi ako natapos sa pag sasalita nang sumingit siya.

"I need your help Derenne..." humugot nang malalim na pag hinga si Etienne bago ito nag patuloy sa pag sasalita. "I need to attend the acquaintance party."


Claude Amoux POV

Agent Monterosso...

Agent Monterosso...

Agent Monte-


"ARGHHH!!" ginulo ko ang buhok ko nang patuloy pa ring tumatakbo sa isipan ko ang mga katagang iyon.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon