CHAPTER 5

931 27 1
                                        

Etienne Evone POV

Nagising ako ng makaramdam ng lamig. Agad naman akong napabangon nang mapansing nasa ibang kwarto ako. Napasapo ako ng maalala na nakatulog ako dito sa bahay nila Claude. Napalingon ako sa may pinto ng may marinig na kumatok.

"Ija, gising ka na ba??" Narinig ko ang boses ni Manang Soledad. "Opo. Sandali lang po at mag aayos lang po ako." Sagot ko at agad na umalis sa kama saka pumuntang cr at inayos ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Sinalubong ako ni Manang Soledad na may kasamang isang maid na may hawak na tray na nag lalaman ng pagkain. "Ay, ija sana sinabi mo na lang na pumasok kami para hindi ka na lalabas pa ng kwarto. Ipinaghanda ka namin nang pang umagahan mo." Saad pa ni Manang Soledad. "Salamat po. Pero, kailangan ko na pong umalis eh. May pasok pa po kasi ako mamaya." Saad ko.

"Utos kasi ito ni Claud na ipaghanda ka ng makakain mo, ija. Magagalit 'yon kapag hindi mo ito kanain. Baka sabihin pa na hindi namin dinala dito." Dagdag pa ni Manang Soledad. Napabuntong hininga nalang ako saka pumayag pero, sa kusina nalang nila ako kakain. Hindi ako sanay sa breakfast in bed.

Nang makarating ako sa kusina ay agad nilang iniayos ang makakain ko. Mamaya maya ay umalis sa kusina ang mga maid pati na rin si Manang Soledad ay nagpaalam sa'kin na aalis din kasi may gagawin pa daw siya.

Mamaya maya ay nakita ko namang pumasok si Claude na pumasok sa kusina na naka pamulsa at magulo ang buhok nito. Agad naman itong umupo sa harapan ko saka napayuko sa lamesa. Napailing lang ako at hindi siya pinansin. Agad naman akong natigilang kumain kasi napaka likot niya.

Agad naman siyang tumayo saka nag stretch matapos ay napatingin sa akin. Sandali siyang natigilan ng makita akong kumakain. "Good morning." Bati niya saka ako tinalikuran at kumuha ng maiinom niya. Hindi ko siya pinansin at inubos ang pagkain ko. Kinuha ko ang pinagkainan ko at nilagay sa lababo kasabay ng pagdating nang dalawang maid. "Miss, kami na po." Ani ng maid nang makita akong maghuhugas ng plato. Hinayaan ko nalang sila kasi baka hindi rin naman sila pumayag kahit mag pumilit pa ako.

Papalabas na sana ako ng kusina ng marinig kong mag salita si Claud. "Sumabay ka na sa 'kin papasok sa University." Pag aalok niya dahilan para mapalingon ako. "I have my car. Thanks but, no thanks." Sambit ko saka lumabas ng kusina nila. Papunta ako kung saan  ko ipinark ang kotse ng makasalubong ko si Manang Soledad. "Aalis ka na, ija??" Tanong niya ng makitang palabas na ako. "Opo Manang. Sige po mauuna na po ako. Salamat po ulit." Paalam ko. "Masaya akong nakilala ka. Dumalaw ka ulit dito, Ija." Masayang sambit ni Manang Soledad. Ngumiti lang ako saka dumeretsyo sa kotse ko.

Lumabas ako sa mala-mansyong bahay ni Claude ng may matanaw ako sa labas ng bahay nila na dalawang babaeng nakaface mask at sumbrero. Ang isa sa kanila ay may hawak na camera. Napa kunot ang noo saka lumabas ng kotse ko. Nag lakad ako papunta sa pwesto nila. Nang mapansin nilang papalapit ako ay agad silang tumakbo palayo at hindi ko na hinabol pa.

Taka akong bumalik sa kotse ko saka 'yon pinaharurot paalis.

Who are they? At anong ginagawa nila sa labas ng bahay nila Claude? Oh, baka naman fangirls lang 'yon ni Claude.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka dumeretsyo sa condo. Nang makarating ay ka agad akong naligo saka nag suot ng uniform at humarap sa whole body mirror ko matapos ay kinuha ko ang laptop ko. Napatingin ako sa wall clock ko at nakitang may mahigit isang oras pa ako bago mag umpisa ang klase. Naisipan kong mag bukas ng kung anu-anong accounts ng mga tao na nakagawian ko. Mostly, mga tao sa loob ng University.


Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon