PROLOGUE

3.2K 50 35
                                    

Etienne Evone POV

"Diane sa kabila!!" Sigaw ko sa kaibigan ko nang makitang lumiko ang lalaking hinahabol namin ngayon. Kung saan saan kami nag pasikot sikot dito sa kalye para mahabol ang lalaki hanggang sa wala siyang matakbuhan at macorner namin.

"Maling daan ata ang pinasok mo." Nag hahabol hiningang sambit ni Diane.

"Walang hiya kang kupal ka. Pinagod mo pa kami!" Usal naman ng aking nobyo na si Ethan.

Dinukot ko ang baril na nasa aking tagiliran ngayon at agad itong itinutok sa lalaking nasa harap ko ngayon saka unting unting lumapit sa kanya. Samantalang, sila Diane at Ethan naman ay nag hanap ng tiyempo upang maposas ang lalaking ito.

"Adolfo Lazaro Alviar. Napakadami mo ng napatay. Alam mo naman siguro 'yon diba." Saad ko at patuloy pa rin sa pag lapit sa taong nasa harap ko ngayon. Kayumanggi ang kanyang balat at hindi rin katangkaran.

Nang makahanap ng tiyempo ay agad nilang nai-posas ang lalaki. Agad hinatak patayo ni Diane at Ethan ang lalaki ng ma handcuff ito at nag patuloy sa paglalakad. Isinuksok ko muli sa pantalon ko ang baril at inunahan sila sa pag lalakad.

Ngunit, agad rin kaming natigilan sa paglalakad nang mayroon kaming natanaw na isang babae sa hindi kalayuan. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa ilaw nang poste. Agad nanlaki ang mata ko nang itutok niya sa amin ang baril at pinaulanan kami ng bala.

"ETIENNE!!!" Rinig kong sigaw ni Ethan at pansin ko na ini-harang niya ang kanyang katawan saka kami nag pagulong gulong  sa lupa papunta sa gilid ng malaking basurahan.

"ACCCK!" Dali-dali akong umayos ng upo at napalingon kay Ethan. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang may tama siya ng bala sa kanyang tagiliran at patuloy ang pag agos ng dugo nito.

"E-ethan... m-may tama ka..." nangingilid ang mga luhang sambit ko at ipinatong ang aking kamay sa kanyang kamay na pinipigilan ang daloy ng dugo. Hindi ako mapakali. Hindi namin alam ni Diane ang gagawin. Ngayon lang naming napansin  na hindi pala namin kasama ang lalaking naiposas namin.

"Etienne, nasa kabila tingnan mo." usal ni Diane at inginuso ang lalaki na nasa kabilang gilid at nag tatago rin sa isang basurahan. Dalawa at mag kabilaan ang basurahan dito.

Patuloy pa rin ang pag putok ng baril.  Nag palinga linga ako sa paligid upang maghanap ng bagay na pwedeng gawing proteksyon sa aming katawan nang mapansin ko ang isang basag na salamin sa gilid. Tanaw ko ang babaeng unti unting lumalapit sa pwesto namin. Hindi na ako nag patuloy pa na mag hanap ng bagay sa paligid at humanap nalang ng tiyempo matapos ay pinaulanan namin ni Diane ng bala ang babae. 

Mabilis akong tumungo sa pwesto ng lalaking aming naiposas at nag tago nag babaka sakaling mag paputok muli ng baril ang babae. Napa upo naman si Diane sa kabila katabi ni Ethan. Ilang minute ang lumipas ngunit, wala kaming narinig na ingay kung kaya't marahan akong sumilip sa gilid ng basurahan at nakitang wala na roon ang babae sa kanyang kinatatayuan. Sumenyas ako kay Diane na wala na ang babae at lalapitan ko na sila. Tumango naman si Diane at maingat na tumayo. Hindi pa man ako nakaka lapit sa pwesto nila Diane at Ethan nang mapansin ko na nang pupumiglas itong lalaking kriminal dahilan upang inis ko siyang tingnan.

 "Ano ba?! Aayos ka ba o---"

"Etienne!!" Napalingon ako kay Diane nang marinig ko siyang sumigaw at mabilis na tumatakbo papalit sakin. Nakarinig ako ng ingay ng isang pagputok ng baril at sabay kaming tumumba ni Diane sa lupa. Dumating ang mga pulis at muli akong lumingon kung saang direksyon nag mula ang bala ngunit, naka alis na ang babae.

Bumaling kay Diane na nasa tabi ko ngayon. Tuluyang bumuhos ang luha ko ng makitang may tama siya sa dibdib.

♡♡♡

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon