Etienne Evone POV
8:30 am
Sunday ngayon at katatapos ko lang mag simba. Hindi pa ako nakakapg breakfast kaya, naisipan kong dumaan muna sa may wet market. Hindi pa kasi bukas nang ganito ka aga ang mga supermarkets.
*Ting!*
Kinalikot ko sa bag ko ang ko ang tracker phone ko. Nakita kong nasa labas nang wet market si Claude. "Etienne, ija??" Napalingon ako sa nag salita at nakita si Manang Soledad. Agad ko rin ibinalik sa loob ng bag ko ang tracker phone.
"Magandang Umaga po." Bati ko kay Manang Soledad.
"Tulungan ko na ho kayo." Saad ko ng makitang napakarami niyang hawak at kinuha ko ang ibang hawak ni Manang.
"Dalhin ko nalang ho ito sa sasakyan niyo. Para hindi na po kayo mahirapan sa pagbitbit. " saad ko pa na ipinag taka niya.
"Namasahe ako papunta dito, Ija." Ani Manang Soledad.
"Akala ko ho kasi, kasama niyo ho si Claude. Nasa labas lang po kasi siya." Pag dadahilan ko pa.
"Si Claud narito?" Hindi makapaniwalang sambit ni Manang.
"Manang Soledad!" Napalingon ako sa nag salita at nakitang naka puting polo at pantalon si Claude na mukhang may pupuntahan.
"Ijo, bakit ganyan ang iyong suot? Baka marumihan 'yan? Mahirap labhan." Usal pa ni Manang ng makita ang suot niya.
"May importanteng lakad ho kasi ako at naisipan ko ho na daanan kayo." Saad ni Claude saka kinuha kay Manang Soledad ang iba pang mga bitbit niya.
Nag lakad kami papunta sa may kotse ni Claude. At inilagay sa loob ang mga pinamili ni Manang Soledad. "Sumabay ka na rin Ija." Pag aalok ni Manang Soledad. "Nako, hindi na po. May dadaanan pa po ako. " pag tatanggi ko. Kahit wala naman talaga akong pupuntahan pa.
"Sayang. Sige, mag iingat ka, Ija." Paalam ni Manang saka sila tuluyang umalis.
***
Narito ako ngayon sa loob ng condo ko habang nag luluto ng kakainin ko. "Ang bango. Pwede makikain??" Halos mapatalon ako gulat ng marinig ang boses ni Derenne sa likuran ko.
"Magluto ka ng sayo." Usal ko saka kumuha ng plato at doon inilagay ang niluto ko.
"Damot. Psh." Sambit ni Derenne saka tumungo sa may refrigerator ko at kumuha ng makakain.
Tumungo ako sa sala at kinuha ko ang laptop ko saka ito binuksan. In-open ko ang website ng University dahil baka may balita or event na mangyayari bukas.
Agad napakunot ang noo ko nang makita ang headline ng isang article.
'Claude Amoux Almendarez girlfriend would be back here in the Philippines soon...'
"May girlfriend pala. Ay..." Nilingon ko si Derenne na nakatayo sa likuran ko at nakikibasa rin sa article.
Sa data na kinuha ko kay Chief wala naman akong nakitang girlfriend niya. Nakakapag taka lang.

BINABASA MO ANG
Confidential M
Teen FictionMeet Etienne Evone Monterroso, isang top secret agent sa loob at labas ng bansa. Matalino at masayahin. But, when her childhood bestfriend and her lover died while protecting her in her mission. Her world turned upside down. Ayaw niyang mapalapit o...