CHAPTER 18

626 19 8
                                        

Etienne Evone POV

Nasa University ako ngayon para hanapin si Ignado Ruiz.

"Bakit nandito ka??" Walang ganang tanong ni Claude nang makita niya ako. Maraming tao sa paligid kaya sumenyas ako na sumunod siya sa akin. Nag iingat lang marahil nasa paligid lang ang killer. Hindi siya pumayag nung una kaya, hinatak ko siya.

Maka bawi man lang sa paghatak niya sa akin kahapon diba. Ang sakit kaya.

Nandito kami sa sulok ng field. Malayo sa mga dumadaang tao, mahangin at tahimik. "Bakit nandito tayo?? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Sayang ang oras." Seryosong saad nito.

"Ito naman. Gusto lang naman kita ma solo." Pag bibiro ko. Hindi ako magandang mag biro ayoko lang masabayan yung pagiging seryoso ko ngayong araw. Halos matawa ako sa reaksyon niya nang sabihin ko ang mga katagang 'yon. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito at hindi makatingin ng deretsyo sa mga mata ko.

"Joke. Masyado kang seryoso..." nag palingon lingon pa muna ako para masiguradong wala talagang tao sa paligid saka nag patuloy sa pag sasalita. "Nakita mo bang pumasok ngayong araw si Ignado Ruiz??"

Tiningnan lang ako nito maya-maya pa ay bahagyang siyang yumuko at inilapit ang mukha nito sa akin dahilan para matigilan ako. Ngayon, ako naman ang hindi makatingin ng maayos sa mga mata niya.

Sabi ko nga hindi talaga ako maganda mag biro.

"Ahh-a-absent b-ba siya??" Pautal-utal na tanong ko. Napalunok ako nang manatili pa rin siya sa ganung pwesto. Maya-maya pa ay bahagya itong natawa at nag salita.

"I saw him." Ani Claude at umayos ito ng tayo.

"O-okay, t-thanks." Sambit ko habang hindi pa rin makatingin ng maayos sa kanya.

Aakmang aalis na ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa mag kabilang balikat ko at iniharap sa kanya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Mas malapit na ngayon ang mukha niya sa kin.

Nakaka dalawa ka na ha.

"3rd floor, west wing. Room 313." Ani Claude at ngumiti saka ginulo ang buhok ko. "Una na ako, may gagawin pa ako. Ciao." Paalam niya saka iniwan akong mag isa.

That was a bad joke. I shouldn't have done that.

Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang pag tibok nito. Humugot ako ng malalim na paghinga saka pumunta sa Room nila Ignado.

Nasa hallway ako ngayon habang deretsyo langa ng tingin sa daan. Agad akong napatigil sa paglalakad at napalingon nang mapansin kong lumabas ng classroom si Ignado Ruiz. Marahan ko siyang sinundan nang may sumagi sa akin at natapunan ang damit ko. Agad naman na nawala sa paningin ko si Ignado.

Inis akong napatingin sa taong sumagi sa akin.

"Pasensya na, Mis—Etienne??" Ani Kaiden na hindi inaasahan na makikita ako ngayon sa University. Pilit niyang pinunasan ang parte ng damit na nabasa. Dala ng inis ay kinuha ko sa kanya ang tissue na pinang punas nito.

"Aishhh!! Kung minamalas ka nga naman." Salubong ang mga kilay na sambit ko saka pinunasan ang damit ko.

"Pasensya na talaga. Meron akong extra tshirt. Kunin ko lang sa locker ko." Saad pa ni Kaiden.

Mag sasalita pa sana ako nang marinig ko ang boses ni Constantino Julio.

"Ms. Monterosso?? What are you doing here?" Napapikit ako at humugot ng malalim na buntong hininga saka siya nilingon.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon