Etienne Evone POV
Maaga akong nagising ngayon. Nandito na ako sa harap ng gate ng High Bellevue State University habang nakasakay sa kotse ko. Sumenyas si Kuya guard na ibaba ang bintana ng kotse ko.
"Ma'am. Ano po ang ginagawa niyo dito?" Tanong niya. Ngunit, agad rin niyang napagtantong studyante ako ng makita ang suot ko ang uniform. "Mamaya pa pong 7:30 ang umpisa ng klase." Dagdag niya pa. Mababakas mo sa itsura niya ang pag tataka.
"Pwede ho ba paki buksan iyang napakalaking gate niyo ho at makapag park na ako??" Pakiusap ko.
"Seryoso ho talaga kayo Maam?? Napaka aga pa po." Sabi pa ni Manong Guard at napakamot pa sa buhok niya. Napatingin naman ako sa orasan ng kotse ko.
5:00 am palang ngayon at napaka dilim pa rin sa labas.
Bumaling ako kay Kuya Guard na nag tataka pa rin. Sumenyas lang ako na buksan na niya ang gate. Wala siyang nagawa at binuksan ito saka ako nag park sa may parking lot nila.
Masama ba na pumasok ng maaga? Atleast nga maaga ako kaysa naman sa late. Ke bago-bago ko palang dito late agad.
Napailing lang ako sa naisip ko. At agad akong pumunta sa restroom ng maramdaman ko na na ji-jingle ako. Nang matapos ay agad akong nag hugas ng kamay saka tumingin sa mirror.
Mukha na talaga akong estudyante sa itsura ko ngayon. Naka eyeglasses ako, yung bilog na malaki. Tapos naka pony tail ako.
Papalabas ako ng restroom nang mapatalon ako sa gulat. "The hell, Derenne!!" Gulat na saad ko at napahawak pa sa dibdib ko. Napa kunot naman ang noo ko nang makitang naka pajama at plain blue shirt lang siya.
"Seriously??! Pumunta ka dito wearing your pajamas??" Hindi makapaniwalang tanong ko. At pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Pumipikit pikit ang mga mata niya at napaka gulo ng buhok niya. Mahahalata mo talaga na kakagising lang niya dahil may laway pa sa gilid ng labi.
Yikes.
"Ayusin mo nga sarili mo. Geez." Pa iling-iling na sabi ko at nilagpasan siya.
"Thank God okay ka lang." Rinig kong sabi ni Derenne at ka agad akong natigilan. "What do you mean??" Takang tanong ko. Sumenyas ako na sa restroom kami mag usap. Nang makapasok sa loob ng restroom ay agad ko sinarado ang pinto. Binuksan ko naman isa isa ang cubicle at nakitang wala tao.
Muli akong bumaling kay Derenne na ngayon ay nag hihilamos na. Pumeywang ako at hinarap siya.
"What?" Takang tanong niya ng makita niyang naka tingin ako sa kanya.
"Anong 'what' ? What do you mean by those words??" Seryosong sabi ko at hinintay ang sagot niya. Kinuha naman niya ang panyo na naka ipit sa pajama niya saka nag punas.
Derenne Levy POV
Flashback...
Nasa lobby ako ngayon para bumili lang diyan malapit sa convenience store ng makakain.

BINABASA MO ANG
Confidential M
Novela JuvenilMeet Etienne Evone Monterroso, isang top secret agent sa loob at labas ng bansa. Matalino at masayahin. But, when her childhood bestfriend and her lover died while protecting her in her mission. Her world turned upside down. Ayaw niyang mapalapit o...