CHAPTER 15

710 15 3
                                        

Derenne Levy POV

"Aray!" Reklamo ko kay Alarie. Binatukan ba naman ako.

"Tulog ka na naman. Palagi ka nalang tulog. Sabihin mo nga sa akin, ano ba ang ginagawa mo sa gabi??" Naka pameywang na sabi ni Alarie.

"Wala." Tanging sambit ko. Ang dami kasing pinagagawa ng mga teachers this past few days. Idagdag mo pa ang mga utos ni Etienne.

Kinapa ko sa bulsa ko ang tracker nang mag vibrate ito. Geez. Saan na naman ba pupunta ito si Claude??

Napa buntong hininga nalang ako. Nitong mga nakaraang araw palagi nalang umaalis ng University itong si Claude. Wala akong ideya sa mga pinaggagagawa niya. Para siyang batang hindi mapakali sa pwesto niya.

"May pupuntahan lang muna ako." Paalam ko sa kanila.

"Ahh—ehh!! Saan ka na naman ba—"

"Bye!!" Pag puputol ko sa sina-sabi ni Jonas.

***

Ano na naman ba ang gagawin mo dito Claude?? Geez. Nandito ako ngayon sa labas ng isang coffee shop. Habang minamanmanan si Claude nang may dumaang isang police sa gilid ng kotse ko. Pansin kong may nahulog na paper galing sa notebook na hawak niya at mukhang hindi niya 'yon napansin.


Agad akong bumaba ng kotse at pinulot 'yon. Panandalian akong natigilan ng makita ang simbolong tinutukoy ni Etienne. Akmang papasok ako sa loob nang kotse ko nang mapansing kong masama ang tingin sa akin ng police na nakahulog nung paper.


"Ahh—ehh... Nahulog niyo po. Pasensya na po." Pag papaumanhin ko sa lalaking police at agad niya 'yon kinuha saka umalis.


Creepy.



*Blag*



Agad akong bumaling kung saan nang gagaling ang ingay. Dali-dali akong lumapit sa nag kakagulo nang makita kong si Kaiden at Claude 'yon pareho silang nag tatapunan nang suntok sa isa't isa.






Etienne Evone POV

Ramdam kong nag va-vibrate ang tracker phone ko. Ngunit, hindi ko 'yon pinansin dahil nanonood ako ng paborito kong netflix series na Money Heist.

*Blag*


"Oh, anong ginagawa mo dito??" Takang tanong ko ng makita si Derenne na dere-deretsyong pumasok sa loob ng condo ko.

Nag hahabol ng hininga at hindi ako pinansin saka ako hinatak paalis ng Condo.

***

"Kita mong nanonood pa ako ng Money Heist eh." Dismayado kong saad. "Anong meron ba? " Takang tanong ko pa. Nandito kami ngayon sa labas ng condominuim. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ni Derenne dito.

Nag hahabol pa rin siya ng hininga saka itinuro ang mga taong nag kukumpulan sa kabilang gilid ng kalsada.

Nag salubong ang kilay ko ng makitang si Kaiden at Claude 'yon. "What the actual hell are they doing??"


"I dont know. Siguro nag kakatuwaan." Sarcastic na usal ni Derenne. Tiningnan ko lang si Derenne saka pinanood ang dalawang nag ra-rambulan sa labas ng Condominuim.

Confidential M Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon