Etienne Evone POV
Nakabalik na ako dito sa condominium at nasa tapat ako ngayon ng room ko. Binuksan ko ang pinto at agad pumasok sa loob.
"Saan ka galing?" Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Derenne na naglalakad papalapit sakin. Galing siya sa may terrace.
"Anak ng! Paano ka nakapasok dito?!" Nanlalaki ang mga matang usal ko habang nakahawak sa dibdib at gulat na gulat. Ipinakita naman niya ang hawak niyang card saka nag salita. "Simple lang naman. Alam ko ang passcode mo. Ang sabi kasi ni Chief dadalawa lang talaga ang nagiging passcode mo. Ayaw mo rin daw ng pa-palit palit ng passcode." Saad ni Derenne.
Tsk. Chief naman!!
Tumungo ako sa kusina at kumuha ng maiinom. "Mag bihis ka na. Deretsyo na tayo ng University. Mukhang aabutin tayo ng isang oras para makarating doon dahil sa traffic." Saad pa ni Derenne. Napa tingin naman ako sa wall clock ko at agad na kumilos nang makitang 7:30 am. Mahigit isang oras din kasi ako mag ayos at maliligo pa ako. Agad akong tumungo sa banyo at naligo.
***
Nandito ako ngayon sa lobby at nakaharap sa malaking Bulletin Board. Dito kasi nakapaskil ang magiging schedule namin for this day. Nang makita ko na ang sched ko ay agad akong pumasok sa room. Sinalubong ako ng isang napakatahimik at napakalamig na room. Kakaunti palang ang tao sa loob ng room. Si Derenne? Ayon, nag paalam na may bibilhin sa Cafeteria. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang may 30 minutes pa bago mag start ang first class ko.
Kinalikot ko ang cellphone ko at isinaksak sa tainga ko ang earphones nang may humigit nito at hinatak ako papalabas ng room. Nang makalabas ako sa room ay agad akong nag pumiglas.
"Anong problema mo?!" Inis kong tiningnan ang lalaking humatak sa kin papalabas ng room.
"So, ikaw yung babaeng umupo sa upuan ni Claude at inilipat pa ito ng pwesto?? Ikaw rin yung babaeng kasama niya kanina sa 7/11." Inirapan ko lang siya saka tinalikuran. Aalis na sana ako nang harangan pa ako ng isang lalaki kasabay ng pag hatak sa akin ng isang babae saka ako sinampal.
Kupal 'to ha. Inaano ko ba 'to?! Anong ginagawa ko sa kanya?!
"What the freakin' hell!" Salubong na kilay na sambit ko.
"Siguro naman may nabalitaan ka na, na napatalsik sa University dahil sa issue na 'to. Maghanda-handa ka na." She smirked.
Baka gusto mo itong kamao ko ang magpatalsik sayo sa labas ng University.
Chill, easy. Easy, Etienne.
Pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Ang punishment mo, you must clean all the lockers from ground floor up to 4th floor. Or else goodbye University." Sambit nung babae.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at humalukipkip saka nag salita. "Bakit ko naman gagawin 'yon? At sino ka ba??"
Sasampalin niya sana ako ng may humawak ng braso niya.
"Anong meron dito?" Patay malisyang sambit ni Derenne habang may hawak na fudgee bar sa kabilang kamay at kinakain 'yon.
"At sino ka naman??" Mataray na sambit nung babae.
Siya ang tinatanong ko pero, binalik niya ang tanong kay Derenne. Tsk. Palalampasin ko 'to ngayon. Pero, kapag ginawa niya ito ulit. Hindi na ako mag dadalawang isip pa at sasaktan ko talaga siya.

BINABASA MO ANG
Confidential M
Genç KurguMeet Etienne Evone Monterroso, isang top secret agent sa loob at labas ng bansa. Matalino at masayahin. But, when her childhood bestfriend and her lover died while protecting her in her mission. Her world turned upside down. Ayaw niyang mapalapit o...