Page 8

2 1 0
                                    

Dear Diary,

Madaling araw na pero hindi pa ako makatulog. Ewan ko. Pakiramdam ko kapag natulog ako babangungutin ako. May isang pangyayari kasi na patuloy na naglalaro sa utak ko. Isang pangyayari kung saan involve ang lecheng ex-boyfriend ko.

Kanina kasi, habang hinihintay kong dumating 'yung driver ko, bigla ko siyang nakita sa likod ng isang pick-up, kasama niya yung girlfriend niya. Akala ko nga may milagrong ginagawa pero nag-uusap lang pala. Siyempre narinig ko ng slight 'yung pinag-uusapan nila. Hindi naman ako bingi 'no.

"Are you going to choose that girl ober me? You said you lab me right? You said we will vild our future together!" Rinig kong sabi ng bruha.

"No... no baby, I'm not gonna leave you. That will never happen. Ever." Sagot naman ng hudas.

"Framis?"

"I promise."

At ayun. Nanlaki ang magaganda kong mata nang maghalikan sila. Mga salaula! Maghalikan ba naman sa public place? Mga maharot! Nasa school grounds kayo huy! Dapat sa mga ganito gina-guidance!

Hindi ako galit ah. Anti-PDA lang talaga ako. Yun lang.

Pero teka... sinong girl ba?

Galit sa malalandi,
Demi

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon