Dear Diary,
Nakita ko si Evan kaninang lunch. Hinihintay yata si Charlotte sa labas ng cafeteria. At dahil dakila akong maganda, nilapitan ko siya. Para na rin masabi ko sa kanya ang mga haka-haka ko tungkol sa girlfriend niyang bruhilda.
So ayun. Doon ko nalaman na kaya pala nakakapag-aral si Charlotte sa CIE dahil sinusustentuhan siya ng yayamanin niyang tatay. Anak sa labas kasi pala siya. At nagkataon na rich kid ang tunay niyang ama kaya ayon ang tumutulong sa kanya sa gastusin niya. Wala naman daw magawa ang nanay at stepfather niya dahil sadyang mahirap lang sila. Sapat lang ang kinikita ng taxi driver niyang tatay-tatayan sa pang-araw araw nila at sa pag-aaral ng dalawa pa niyang nakababatang half-siblings.
O diba, dami kong nasagap.
Habang kinukwento ni Evan ang mala-MMK na buhay ni Charlotte, unti-unti kong nare-realize kung gaano ka-walang kwenta ang private investigator na binayaran ko. Kulang-kulang ang impormasyong ibinigay sa akin ng gago! Nabokya ako! Humanda sakin 'yon kapag nagkita kami ulit.
Nagtiwala, Nabokya, Na-stress,
Demi ❤