Dear Diary,
You know what, tama sila eh. Hindi naman ganon kasama na si Evan ang naging "fiance" ko. I mean, matagal na kaming magkakilala. Hindi na namin kailangang pumunta pa sa 'getting-to-know-stage'. Siguro kailangan na lang namin tanggalin 'yung awkwardness. At mangyayari yun kung sisimulan kong kalimutan lahat ng nangyari sa past. Start over again kumbaga. Kailangan kong tanggapin na siya na talaga ang makakasama ko habang buhay kahit pa sobrang kinikilabutan ako kapag naiisip 'yon.
Pero anong magagawa ko kung sa kanya nakasalalay ang kinabukasan ng pamilya ko?
Starting over again,
Demi ❤