Page 21

1 1 0
                                    

Dear Diary,

Dalawang araw. Dalawang araw na magmula nang magkaayos kami ni Evan. Dalawang araw na din siyang (I mean sila ni Charlotte) nakikisama sa amin.

Kasama namin sila palagi sa lunch at dismissal. Minsan pa nagyayaya si Charlotte na gumala kaya siyempre, go kami. Medyo na-amaze pa nga sina Ivanna kung paano nangyaring nagpapansinan na ulit kami ni Evan. Madalas din nila akong tanungin kung okay lang ako. Siyempre magugulat ako. Paano naman ako hindi magiging okay?

"Kasi nga diba, hindi na matutuloy 'yung deal ng parents nyo kasi ayaw naman talaga ni Evan na makasal sa'yo? So paano na ang failing company nyo? Magiging poor na ba kayo like yung parents mo before sila nanalo sa lotto?"

Mahal na mahal ko si Ivanna, alam niya 'yan. Pero minsan talaga ang sarap niya lang hambalusin ng Jimmy Choo heels eh. Ipaalala ba naman? Nakakainis ah. Parang si Evan at Charlotte lang sa tuwing naglalandian sila sa harap ko. PDA na PDA? Ugh. Get a room!

Galit sa PDA pero hindi bitter,
Demi ❤

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon