Dear Diary,
Pina-background check ko si Charlotte kanina. Gusto kong kumuha ng impormasyon na pwede kong gamitin sa plano ko. Balak ko sanang magtanong na lang kay Evan pero duh, sabi pa ni Ivanna, 'that is not so fab'. Baka isipin ni Evan interesado ako sa girlfriend niyang hindi naman kainteres-interes.
So ayun. Andami kong nalaman tungkol kay Charlotte. Charlotte Diaz pala ang full name niya. At nakatira siya sa Tondo, Manila. I searched about the place sa internet at nalaman kong nasa squatters area pala ang bahay niya. Kaya nagtaka ako. Paano siya nakapag-aral sa CIE British School, eh mahigit 280,000 yung binabayarang tuition sa school na 'to? Imposible namang scholar siya. Hindi ako judgmental okay, I'm just stating a fact. Halata naman na hindi siya matalino e.
So kung mahirap lang siya, at hindi siya scholar.. Saan siya kumuha ng pang-gastos niya?
Ay pucha! Hindi kaya ginagatungan niya lang si Evan?
Medyo judgmental,
Demi ❤P.S. Pero pano nga kung totoo? Paano kung pineperahan lang talaga niya si Evan?