Dear Diary,
Sabihin mo nga sakin, magugunaw na ba ang mundo? Malapit na bang mag-end of the world? Lilipat na ba tayo sa Mars?
Kasi naman! Si Yna, nakita namin na may kasamang lalaki! At hindi lang basta kasama, kayakap niya pa! KAYAKAP! Sabi pa ni Ivanna, "OMG! Like Omygosh to the highest level!"
OMG talaga! Si Yna yun e. Si Yna na mailap sa lalaki. Si Yna na walang ibang inatupag kundi libro. Si Yna na seryoso sa buhay. At higit sa lahat, si Yna na hindi naniniwala sa love! Tapos makikita namin siya na may kayakap na lalaki? At hindi man lang sinabi sa amin na may nangyayaring ganon?
Nakakatampo ha. Para naman kaming hindi kaibigan sa lagay na 'yan. Pero panigurado namang nahihiya lang magkwento ang bruha. Akalain mong sa 20 years niya sa mundo, ngayon lang niya nalaman na 'love exists' pala talaga at hindi lang puro chemical reaction of the heart chuchu lang.
Pero kung 'yung lalaking yun ang dahilan ng paglabas ng utak niya sa outer space nitong nakaraang mga araw, nako, sinasabi kong hindi magandang impluwensya 'yon. Ang lalaki dapat ginagawang inspirasyon, hindi distraksyon.
Tsk. Nakakabobo pa naman yang love-love na 'yan.
Hopeless pero di romantic,
Demi ❤