Dear Diary,
Kumakain akong mag-isa sa canteen nang biglang umupo sa tabi ko si Ivanna. Nakangiti siya ng maluwag sabay sabing "Succesful ang plan, girl! Break na ang CharVan!" Kaya napangiti din ako ng maluwag sabay evil laugh. Gusto ko nga sanang sumigaw ng "Magbunyi! Halleluyah!" pero masyado naman yatang nakakahiya iyon at nakakasira ng poise. Kaya nakuntento na lang ako sa bungisngis at pasimpleng lingon sa paligid para hanapin si Evan. Ngayong tibag na ang dalawa, it's my time to shine. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa plano kong Oplan Tuloy Kasal. *evil laugh ulit*
Bidang kontrabida ng slight,
Demi ❤