Dear Diary,
Ang daming plano ni Evan. Sa sobrang dami hindi niya alam kung alin doon ang gagawin niya. Tinatanong niya ako kung ano ang mas magandang gawin kaya sinasabi ko na lang sa kanya na, "Kung ano sa tingin mo ang mas convenient para sa'yo, ayon ang gawin mo. Kahit ano namang plano mo, susuportahan ko."
Pero siyempre kaplastikan lang 'yun. Ang hindi niya alam, binabantayan ko ang kilos niya para ako mismo ang sumabotahe sa gagawin niyang pananabotahe sa dapat na kasal namin!
Hinding hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal. Over my dead, sexy pang-FHM body!
Lumalaban para sa future,
Demi ❤