Page 58

1 1 0
                                    

Dear Diary,

Nilapitan ko si Evan, kunyari nakikisimpatya ako, na nandito lang ako para sa kanya kung kailangan niya ng 'kaibigan'. Kilala ko si Evan. Medyo marupok siya kapag brokenhearted. Madalas siyang nakikipaglandian sa iba noon kapag nag-aaway kami. Pero wiz siya pwedeng makipaglandian ngayon kung hindi sa akin. Landiin niya lang ako hangga't gusto niya. Ako na maganda, hindi 'yung kung kaninong chipipay siya makikipaglandian at makikipag one night stand.

At sinabi ko na bang kilala ko si Evan? Alam ko kasi na kahit ganyan 'yan, gagawa yan ng paraan para makipagbalikan. Kaya I better be prepared. Sigurado akong hihingi ng tulong  si Evan para magkaroon ng second chance ang cliche lovestory nila ni Charlotte. Siguro kailangan kong magbaon ng paracetamol, menthol at plastic. Para prepared ako kung sakaling mahilo at masuka ako sa pagmumukha nila.

Ayaw sa cliche pero di bitter,
Demi ❤

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon