Page 69

0 1 0
                                    

Dear Diary,

Ipinakilala ko sa isa't isa sina Charlotte at Oliver. Mukha namang nagkasundo agad ang dalawa. Isang uto-uto at isang mukhang tinik na chikboy, aba siyempre magkakasundo nga sila!

"Do I really need to do this, Demi? To ve prends with other guys to porget Evan? Isn't this rebound?" Tanong ni Charlotte sa akin kanina.

Siyempre sinabi kong, "Ano ka ba! Hindi ka naman makikipag relasyon! Friends lang. Distraction. Para hindi ka mabaliw kakaisip sa hudas nating ex."

At tulad ng inaasahan, naniwala naman agad ang bruha. Tiwalang tiwala na talaga siya sa akin. Which is a good thing. Sana nga lang palagi siyang mag-iingat at baka mauntog siya bigla. Mahirap na.

Wishing na hindi na matauhan si Charlotte,
Demi ❤

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon