Page 34

1 1 0
                                    

Dear Diary,

Good morning. Sorry hindi ako nakapagsulat kagabi. May nangyari kasi. Ooops, wag green-minded. Hindi kasing dumi ng isip nyo ang isip ko. Ganito kasi 'yun..

Kagabi, inaya ko siyang matulog sa kama, sa tabi ko. Siyempre ang luwag-luwag ng kama tapos ipagsisiksikan niya 'yung sarili niya sa sofa. Ganoon ba talaga kalaki ang pagkaayaw niyang makatabi ako?

"Wag kang mag-alala, hindi naman kita pagsasamantalahan. Naka-move on na ako sa'yo noh. Porke ba napapasulyap ako ng madalas sa 8-pack abs mo, pinagnanasaan na kita? Duh. Matagal ko na kayang pinagsawaan 'yan! Pero dati kasi 6-pack lang 'yan e ba't ngayon 8-pack na? Nagji-gym ka na ba? In fairness ha, ang hot! Pero di kita pinagnanasaan ha. Asa ka naman," sabi ko. Napaka-judgmental kasi. Akala mo naman ikinagwapo niya 'yan.

Pero ang hinayupak, imbes na sumagot e nag walk-out! Dumiretso sa CR, nagkulong. Inantok nako't lahat, hindi pa rin bumalik. Nakatulog na ata sa CR. Pero mukhang hindi naman kasi pag-gising ko kanina nasa sofa na siya, mahimbing ang tulog. Mukhang ayaw yata talaga akong katabi..

Medyo disappointed,
Demi ❤

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon