Dear Diary,
Nandito ako ngayon sa isang resto at sumisimsim ng Mocha Frappe. Mamaya ay susubukan kong maligo sa dagat o di kaya ay mag jetski, para naman masulit ko 'tong bakasyon na 'to, kung bakasyon bang matatawag 'to.
Ayos na sana e. Medyo narerelax na ako. Ang ganda na ng lugar, ang sarap ng pagkain, nakakausap ko na ng matino si Evan, nakakabiruan ko pa nga e.. kaya lang yung epal niyang girlfriend maya't maya kung tumawag. Akala siguro inaahas ko na 'tong boyfriend niya. Ano siya, excited? Siyempre hindi pa. Mangyayari at mangyayari din 'yun in time. Tiwala lang. Wag siya masyadong ma-excite. Panira ng moment e.
Badtrip ng very very light,
Demi ❤