Dear Diary,
Hindi ako makatulog. Wala na kasi si Evan dito sa kwarto. Nasan siya? Andun! Sa kabilang kwarto, kasama ang bruhildang si Charlotte. Mukhang nagkaayos na ang dalawa. At mukhang may hindi magandang mangyayari ngayong gabi.
Kababalaghan. May kababalaghang mangyayari ngayong gabi sa kabilang kwarto!
Ugh. Iniisip ko pa lang na magse-sex silang dalawa kinikilabutan na ako. Kung pumayag lang sana si Charlotte na dito na lang matulog kasama namin edi sana hindi ako naloloka kakaisip ngayon! Pero mas gusto yata ng bruha na masolo ang fiance ko.
Fiance ko..
Hmm. Naiisip mo ba ang naiisip ko, diary? Hindi siguro. Kasi wala ka namang isip.
Pero mukhang alam ko na ang pwede kong gawin para matahimik ang brain cells ko. Hindi si Charlotte ang sisira sa beauty rest ko aba. Asa siya.
Ang bidang medyo kontrabida,
Demi ❤