Dear Diary,
Dalawang linggo na yata ang lumipas simula nang huli akong magsulat sa'yo. Sorry naman. Masyado lang naging busy ang diyosa. Pagkatapos kasi ng ganap namin sa Tagaytay ni Evan eh nagkasunod sunod na ang paglalabas namin. Halos araw-araw na kaming lumalabas, diary. Hindi ko nga alam kung anong status namin. Kung hindi na ba kami katulad ng dati na walang pansinan, o kung katulad na ulit kami ng dati, nung kami pa. Pero siyempre ayoko nang isipin 'yun. Ang importante ay ang improvements ng relasyon namin ngayon.
Mukhang nagiging effective na talaga ang plano kong Oplan Tuloy Kasal. Naamoy ko na ang tagumpay. Amoy Caron Poivre. *evil laugh*
Ang babaeng puro branded ang perfume,
Demi ❤