Page 77

0 1 0
                                    

Dear Diary,

Guess what kung anong nangyari kaninang dismissal? Well, hindi naman siya masyadong big deal. Niyaya lang naman ako ni Evan sa isang date. As in date, diary. Niyaya niya akong makipag-date!

Well, in-expect ko naman 'to ng very light pero hindi ko inasahan na ganito kaaga!

Alam ko naman na may progress na sa amin ni Evan dahil simula nang matanggap niyang may nag-eexist na ChaVer, sa amin na siya madalas sumama. Ka-table namin sa lunch, kasabay sa dismissal, kasama na nga namin siya sa Friday Night Out eh. Kaya alam na alam kong may chance talaga ang #DeVan. Hindi lang ako prepared na out of the blue ay magyayaya siyang lumabas na kaming dalawa lang. Oh well, hindi ko naman siya masisisi. Kung si Demi dela Vega ba naman ang kasama mo sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh matitiis mo bang hanggang friend ka lang?

Kaya you made the right decision, my dear Evan. I'm a good catch. Kaya 'wag mo na akong pakawalan pa. *flips hair*

Ang Diyosang walang makakatiis sa ganda,
Demi ❤

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon