Page 10

2 1 0
                                    

Dear Diary,

Nagkaroon kami ng conference call kanina. Si Ivanna, Reese, Ash, Yna at ako. Napag-usapan namin yung tungkol sa company merging at arranged marriage na kakaharapin ko. Lahat sila umayaw. Siyempre maliban kay Yna. Alam mo naman, praktikal. Saka hindi 'yun naniniwala sa love. Science-based 'yun. Halos lahat ng bagay may scientific explanation siya. Si Reese naman, ayon umiyak ang gaga. Si Ash, panay ang mura. Si Ivanna, as usual nag freak out. Pero anong magagawa ko? Nalulugi na ang kompanya at wala nang ibang paraan. Ni hindi ko nga alam na ganun na pala ang nangyayari. Edi sana hindi ako panay bili ng kung anu-ano. Kahit naman magaganda marunong din magtipid.

I was raised with a silver spoon in my mouth. Palaging designer items ang binibili ko. Lahat ng gamit ko—from accessories to clothes to shoes to bags—lahat branded. I love luxury, yes. Pero hindi naman ako 'yung tipo na mahilig mag shopping at maglakwatsa ng pera. Kung may isa man akong maipagmamalaki, yun ay ang pagiging marunong kong humawak ng pera.

Strikto ang mga magulang ko. Wala man silang madalas na oras sakin, alam ko naman na mahal na mahal nila ako. At mahal ko rin sila. Alam ko naman na napipilitan lang din sila sa desisyon na 'to. Pero gaya ng sabi ko, alam kong magiging miserable ang buhay ko kapag nagpakasal ako sa taong di ko gusto, pero mas magiging miserable ako kapag tuluyang nalugi ang negosyo. At hindi lang ako ang magsa-suffer kundi kaming tatlo.

May nagtanong sakin kahapon, bakit daw hindi ko na lang hayaan na malugi ang negosyo? Kesa naman makasal ako ng napipilitan.

Sa totoo lang tumaas ang kilay kong may MAC eyebrow nang marinig ko 'yon. Ano ako, tanga para hayaan na lumubog ang kompanyang pinaghirapang itayo ng mga magulang ko? Hindi ako ipinanganak na mayaman. Ang perang ginamit nina Daddy sa pagpapatayo ng advertising company namin ay galing sa napanalunan niya sa lotto noong 2years old ako. Nagtatrabaho si Dad sa isang AdCom kaya kahit papaano ay may alam siya sa pagpapatakbo. Pinaghirapan nilang itaguyod iyon ni Mommy tapos babalewalain ko lang kung meron naman akong maitutulong? Oo sabihin na natin na ayokong maghirap. Pero hindi lang naman 'to para sakin. Hello? May consequence kaya 'yon hindi mo ba nakikita? Sacrifice ang tawag dun 'te! Tsismosang 'to.

Saka ito na lang ang pwede kong maitulong sa pamilya ko. Pambawi man lang sa lahat ng kamalditahang nagawa ko.

Malditang galit sa chismosa,
Demi ❤

Diary ni Demi (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon